Huy Blogger! Magkakilala Na Ba Tayo?

Yung mga close friends ko, oo, siguro nga kilala nila ako. Pero yung ibang mga bloggers dyan, pano na? Sa totoo lang, hindi ko rin kayo kilala.

Ang alam ko lang, pare-pareho tayo na malakas mag-reach out sa mga readers natin. Pare-pareho tayo na parang BATAS na sa kanya-kanyang field of interest. Kapag may tanong ang mga gumagamit ng internet, parating reliable ang mga blogs natin lalo na sa mga negative reviews.

Ganun kalakas ang reach natin sa public gamit ang ating blogs bilang “New Media”.

Blogger Acquaintance Party

Syempre, by face, malamang alam na ninyo na matipuno ako at mahilig sa adventure. Kitang-kita naman yan sa banner ng blog ko na gawa ni Tim Dia. Ako rin naman, kilala kita by face. Pero kung hindi pa tayo madalas magkasalubong sa mga events na pinupuntahan natin, hindi pa tayo magiging magkaibigan.

Yung iba, sa yosi break ko lang din sila nakaka-kwentuhan. After event, kapag nagkayayaan mag-kape, sige kwentuhan. Pero sa kagaya ko na may day job, hindi ako madalas nakakasama sa mga events na pinupuntahan ng karamihan.

Lalo na yung mga mommy bloggers, hindi ko rin sila gaano kilala dahil madalas silang may sariling events.

Buti na lang, magkakaroon ng “Filipino Bloggers Hub Party” . Ang Party na ito ay gaganapin sa 19th of May 2012, 1:00pm sa Central Colleges of the Philippines.

Bloggers around the Metro will gather to have a simple acquaintance party with full of surprises, giveaways, fun games and raffles.

Gustung-gusto ko makasama sa kulitan ang iba pang mga bloggers. Baka nga lang masyado silang seryoso at matatalino. Mag-iipon na ako ng ENGLISH WORDS kasi, baka kagaya ng mga blog nila, wala silang alam na dialect kundi English.

Joke lang, sure ako na matatas din sila mag-Tagalog.

Para makasama sa party na ito, mag-comment lang sa baba para mabigay ko sayo ang link para maka-register.

This event has been sponsored by Central Colleges of the Philippines, San Marino, Dianna Stalder, Human Nature,  Tiger Energy, Classic Savory, MedChef,   MEGA Publishing Group, OkayOkayGet Beauteous, Taste of Goodness, Tablets Mania

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *