Daily Archives: 2012-05-17

Simple Pickup Premium Videos

Dahil medyo nagkaka-gulo at nagkaka-problema ang Simple Pickup sa content na nilalabas nila, minabuti nila na iangat ang level ng kanilang videos.

Syempre naman, ang free videos na nilalabas nila sa YouTube ay medyo “not for minors”, kailangan nilang i-filter ang kanilang viewers. Although maglalabas pa rin sila ng free video content sa kanilang YouTube channel, ang bulk at beef ng kanilang videos ay makikita sa Project GO!

Simple lang naman to. From start to finish, idi-discus nila Jason, Jesse at Kong kung paano ang tinatawag nila na approach.

Simple PickUp

click sa pic para sa Project GO!

Kung hindi mo pa gets, para ito sa mga Pickup Artists na kagaya ko.

Wala naman kasi talagang tutorial ang mga lalake pagdating sa pag-approach sa mga babae. Kadalasan, humihiram pa tayo ng lakas ng loob sa Espiritu ni San Miguel para lang makapanligaw. Sa Simple Pickup, hindi na kailangan pa ng ganun.

Nag-subscribe ako sa kanila. Free Trial naman daw for the first 7 days. Pero sa unang video na nakita ko, kasama pa ng bonus video, tingin ko hindi na ako pipindot ng “unsubscribe”.

Para sa mga torpe dyan, kailangan ninyo ito.

Para sa mga kagaya ko na may ka-relasyon na, dapat rin na marunong kayong magpakilig sa mahal ninyo. Sure ako, marami kayong mapupulot dito.

 

Kapwa Kampeon: Cheff Hasset Go

Hindi talaga ako mahilig magluto. Bukod sa kumain, ang alam ko lang ay magpakulo ng tubig sa panliligo. Well, marunong din pala ako magluto ng pancit canton at instant mami dahil may instructions naman ang lahat ng likuran ng pakete.

Buti na lang at pinakilala kaming mga bloggers ni Mark Joseph Delgado ng Mediactiv8 kay Chef Hasset Go. Naganap ang Bloggers Night noong May 5, 2012 sa Il Mercanti Food Bazaar sa Metrowalk, Ortigas.

Chef Hasset Go

Chef Hasset Go

Sa totoo lang, wala talaga ako idea tungkol sa kanya. Hindi naman kasi talaga ako avid fan ng mga cooking shows at latest cuisines.

Si Chef Hasset Go pala ay produkto ng Heny Sison Culinary School at co-owner of MedChef Homemade Cakes and Pastries.  Kung susumahin, mga dessert ang specialty niya. Hindi naman niya kami binigo dahil gumawa siya ng Pastry Tower using the ingredients ng Puratos.

Nagpa-sample din siya ng isang pasta dish using the products courtesy of King Sue, patunay lang na all around chef din siya.

Actually, na-inspire niya ako magluto. For starters, bumili ako ng pancake mix last week.

pancake

obvious na kung san galing ang pic

Akala ko madali lang lutuin dahil gaya ng mga instant mami, may instructions din siya sa likod.

Hindi ko nga lang tinuloy ang pagluluto nang makita ko ang number 2: Add 1 pc of Egg to the pancake mix.

Awa ng Diyos, ang nanay ko na lang ang nagluto dahil nakita niya na nakabukas na ang box at naka-expose na yung pancake mix. Happy Mothers’ Day nga pala ulit sa nanay ko.

Well, sa susunod na mage-experiment ako sa kitchen, o kahit sino man sa inyo dear readers, pwede ninyo tawagan si Chef Hasset Go. Balita ko kasi, for rent na rin siya. Depende sa number of sessions at location ninyo ang magiging rate. Punta kayo sa Web site niya!

Kung bubusugin ni Chef Hasset Go ang tyan mo, bubusugin naman ng pag-ibig ko ang puso mo.