Simple Pickup Premium Videos

Dahil medyo nagkaka-gulo at nagkaka-problema ang Simple Pickup sa content na nilalabas nila, minabuti nila na iangat ang level ng kanilang videos.

Syempre naman, ang free videos na nilalabas nila sa YouTube ay medyo “not for minors”, kailangan nilang i-filter ang kanilang viewers. Although maglalabas pa rin sila ng free video content sa kanilang YouTube channel, ang bulk at beef ng kanilang videos ay makikita sa Project GO!

Simple lang naman to. From start to finish, idi-discus nila Jason, Jesse at Kong kung paano ang tinatawag nila na approach.

Simple PickUp

click sa pic para sa Project GO!

Kung hindi mo pa gets, para ito sa mga Pickup Artists na kagaya ko.

Wala naman kasi talagang tutorial ang mga lalake pagdating sa pag-approach sa mga babae. Kadalasan, humihiram pa tayo ng lakas ng loob sa Espiritu ni San Miguel para lang makapanligaw. Sa Simple Pickup, hindi na kailangan pa ng ganun.

Nag-subscribe ako sa kanila. Free Trial naman daw for the first 7 days. Pero sa unang video na nakita ko, kasama pa ng bonus video, tingin ko hindi na ako pipindot ng “unsubscribe”.

Para sa mga torpe dyan, kailangan ninyo ito.

Para sa mga kagaya ko na may ka-relasyon na, dapat rin na marunong kayong magpakilig sa mahal ninyo. Sure ako, marami kayong mapupulot dito.

 

0 responses to “Simple Pickup Premium Videos

  1. Looks too American to work here locally.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *