Daily Archives: 2012-05-22

Kapwa Kampeon: Papa Jack

Oo, sikat siya. Kung hindi mo siya kilala, malamang alas sais pa lang ng gabi, tulog ka na.

Siya ang makabagong Joe D’ Mango. Tuwing 9pm-3am ang airing ng True Love Conversations at Wild Confessions niya sa Love Radio. Kung nasa Manila ka, alam mo na 90.7 ang radio frequency ng Love Radio.

 

Papa Jack

 

Direkta magsalita at magbigay ng payo si Papa Jack. Sabi nga ng ibang bloggers, parang Papa Jack daw ang tunog ng blog ko na Kampeon Ng Pagibig. Sabi ko naman, wala pa ako sa kalingkingan ng galing at tapang ni Papa Jack.

As in wala pa.

So far, ang episode last week ang pinakamalupit na True Love Conversations para sa akin. Buti na lang at nailagay sa YouTube ang episode.

Basta ang gist ng story, ang asawa ni Rizza ay may kabit. Tanggap na ni Rizza ang sitwasyon niya dahil naging kabit rin pala siya eventually. At dahil Kapwa Kampeon si Papa Jack, kailangan niyang mapahinto ang cycle ng mga kabit at hiwalay sa loob ng kanyang programa.

Seven parts ang TLC episode na to. Kakatapos ko pa lang pakinggan yung part 4 at medyo nahirapan na ako. Parang isang magandang pelikula yung episode.

Pwede pa nga siguro maibenta ang episode na to bilang audio book. Ang sarap pakinggan.

Eto ang link ng remaining parts in case hindi magload ng tama:

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7

I Will Use The Twitter Hashtag #TanginaMoGlobe

Medyo mahaba to, so brace yourself.

Nag-apply kasi ako about 4 months ago ng bagong plan. Need ko nun ng BB Social, so ang plan is, Globe plan na naka MYSUPERTXTALL plus BB Social.

Pumayag naman sila.

TanginaMoGlobe

TanginaMoGlobe

Akala ko talaga, ok na. Letse yan. Palpak pala ang ginawa ng Globe.

Binigyan nila ako ng MY PLAN SUPERUNLI for 30 days. Pareho lang naman ng presyo yun ang kaso, Superunli is simply unlicall and unlitext to Globe/TM.

Ang buong akala ko, naka MYSUPERTXTALL ako. Kaya naman non-stop ang pagTXT ko to all networks at hindi talaga ako tumatawag.

Ang gago lang ng Globe, bini-bill na pala nila ako for my Txt messages to other Networks. Napansin ko lang nung umabot ng 2k per month ang bill ko.

So dispute ako ngayon. Biruin mo yun, naglagay pa sila ng tao sa Customer Service nila, hindi naman pala marunong umintindi ng tao. Parang Tanga nga lang #TanginaMoGlobe.

So ang ginawa ko, pumunta ako dun sa SM Megamall para i-dispute yung charges. Sabi, 1 week daw. Guess what, walang nangyari.

Tumawag din ako sa 211. Siyempre, pinapalitan ko ang plan ko. Parang inaccept ko na ang pagkatalo dahil wala naman akong laban kung Gaguhan ang labanan.

E gago lang talaga ang Globe, imbes na palitan nila ang plan ko, dinagdagan lang nila ang charges ko. Imbes na tanggalin yung MySuperUnli, ni-retain nila yun at dinagdag lang nila yung SuperUnliTxt. Kung hindi pa ako nag-double check the next day, hindi pa nila mapapansin.

Ang advise ng Customer Server, “Hantayin na lang po ninyo yung kasunod na bill sir, dun na lang po kayo mag-dispute”. Guess what, hindi lang ako magdi-dispute, isusulat ko pa to sa blog ko at gagamit ng Twitter Hashtag.

Gaguhan pala gusto ninyo ha.