Definition: Petsa De Peligro

Petsa De Peligro, ito ang araw na malapit sa sweldo.  Ito ang mga panahon na wala ka nang pera, wala ka pang ka-opisina na pwede mautangan dahil wala rin sila.

Sa Pilipinas, every 15 days ang sweldo. Yung ibang company, every other Friday. Meron din naman na every other Wednesday. Pero kami, dalawang beses sa isang buwan.

Kung poor ka, mas marami ang Petsa De Peligro mo. Kung mayaman ka naman, o sadyang magaling mag-budget, hindi mo mararamdaman ang araw na to.

Pero ako, kanina, ramdam na ramdam ko. Damang-dama. Promise.

Umalis ako ng bahay na may isandaan sa bulsa. Kasya na yun. Ang pamasahe ko, kukunin ko na lang sa mga stray coins sa bag ko. Pag inaalog ko kasi ang bag ko, naririnig ko ang mga barya. Sure ako na kahit saan ako dumukot, may lalabas na piso, limang piso o kapag sinuswerte, sampung piso.

Kaso lang, pag-alis ko ng bahay, 6:20 na sa relo ko. 7am ang pasok ko. Travel time is 50mins – 1hour. Hindi ako pwede mag-jeep. Dapat mas mabilis na ruta ang kukunin ko at yung walang hinto.

Sakto naman na may Taxi na galing sa Shell gas station sa kanto ng 3rd street ang huminto sa harap ko. Grab the opportunity na to. Isang late pa kasi sa trabaho at matatanggalan ako ng performance bonus. Halos apat na libro rin ang mawawala sakin.

Bahala na to.

Pumatak ang metro ng Taxi sa P103.50. No choice ako kaya ipinambayad ko ang 100 pesos na budget ko for the day, kasama na nung 5 pesos na nasungkit ko sa aking bag.

Binilang ko na lang tuloy lahat ng stray coins ko. Umabot naman siya ng 30 pesos, ang kaso 22 pesos ang kailangan ko para makauwi.

8 pesos ang pang-lunch ko. Sakto yun para sa isang Squid ball at isang baso ng Buko Juice. Ang hirap talaga pag Petsa de Peligro.

Wag mo isipin na tinitipid kita, tinuturuan lang kita kung pano mabuhay ng mag-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *