Daily Archives: 2012-05-30

Birthday Ko Bukas!

At dahil wala akong budget, hindi ko kayo kaya ilibre lahat. Yung inuman nga namin, potluck/pass the hat pa ang mangyayari.

Pero ayos lang yun. Masaya naman ang tropa basta kumpleto. Kahit na pipitsugin na chips lang ang pulutan. Basta may alak at picture picture, ayos na.

Kaso lang, masakit sa loob ko kapag hindi ako nakakapagbigay saya kapag birthday ko. Last year, full band na Lights Out ang inimbita ko sa bahay para tumugtog. Since kulang ako sa resources ngayon, babalik tayo sa #GreetingGame na natutunan ko nung High School.

Madali lang ang mechanics. Paglipat ng oras sa birthday ko, dapat mag-greet ka sa akin through Txt messaging. Oo at gagastos ka ng piso pero ayos lang yun dahil kung ikaw ang unang nakapagsend ng message, ililibre kita ng bigmac.

BigMac birthday 2012

BigMac birthday 2012

Simple lang naman di ba? BigMac Meal ng McDo. Large Fries, Large drinks. Ipapa-deliver ko sa inyo pag hindi tayo pwedeng mag meetup.

So pano, Txt ninyo ako a. Simpleng Happy Birthday lang, ayos na sakin yun.