The FUTURE of Philippine Football

Alam mo ba kung ilang taon na sina Phil and James Younghusband?  Ako hindi, pero ayon kiila Coach Aris Caslib (PFF Technical Coach Director), mga 3-4 years na lang ang itatagal nila sa Philippine Footbal..

Siguro dahil sa age o sa maturity pero tingin nila, hanggang dun na lang yun.

Search for the NEW Teen Azkals

Search for the NEW Teen Azkals

So 5 years from now, Etheridge na lang ang kakapitan ng Philippine Football. Oo nga at nandyan pa si Araneta, Caligdong at ang iba pa, pero kung tutuusin, kailangan talaga natin ng mga talento na papasok sa eksena.

Kaya naman puspusan ang paghahanap ng Philippine Football Federation ng mga talents galing sa kung saan saang probinsya. Mahirap mag scout ng talents dahil sa geography ng bansa pero napapadali ito sa dami ng coaches na sumasali sa paghahanap.

At kailangan natin ang tulong ng internet.

Kung may kakilala kayo na under 19 na mahusay talaga mag football, kindly submit a video nung prospect kay Team Manager Alvin Carranza.

Sana, maihabol ang mga prospects para sa NCR Selection na gaganapin sa July 7 and 8, 2012 sa University of the Philippines o di naman kaya ay sa U17-19 Selection sa August 4-12,2012 na gaganapin naman sa San Carlos City, Negros Occidental.

Philippine Teen Azkals
1802 Pioneer Highlands, Pioneer St.
Mandaluyong City, Philippines 1550
0917 531 4403
outdoorman@mac.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *