ABS-CBN Website For All

Gusto ko sana mapabilang sa mailing list ng ABS-CBN para sa kanilang mga Press Release, ang kaso, hindi ako mapagbigyan-bigyan. Ewan ko ba pero parang hindi na ata sila naglalabas ng Press Release through email.

E pano ba naman, meron na kasi silang Web site na nilalagyan nila ng mga latest chismis nila. Syempre naman noh, alam na ng buong ka-TV-han at ka-Radio-han na mas malupit pagdating sa chismisan ang mga Pinoy, lalo na yung mga naka-tune in sa Twitter at Facebook.

Well, yun na nga siguro ang dahilan kung bakit wala silang mailing list.

ABS-CBN pr site

ABS-CBN pr site

Kaya naman hinanap ko ang Web site na to. Buti na lang at medyo may mga friends na nagta-trabaho sa ABS-CBN kaya hindi naging mahirap ang misyon ko. Nakalimutan ko na may Google nga pala na ating pwedeng sandalan.

Binigay nila ang link na to:  http://abscbnpr.com/.

Andun na halos lahat. Hindi ko lang trip ang permalinks nila pero ayos na rin. Basta ang importante, pag may bagong kaganapan sa mga palabas nila sa Kapamilya Network, pwede na tayo maki-chismis online.

OK na to, dito ako kukuha ng chismis. Medyo malakas kasi makakuha ng daily hits sa Web site ang Kapamilya shows.

Lalo pa akong gaganahan sa ganito pag nagkaroon ako ng TV sa kwarto ko. Kelan kaya ako makakabili/mananalo ng TV?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *