Mapapakain ba nyan ang nagugutom kong tiyan? Mabibigyan ba nyan ng lunas ang sakit na cancer? Aangat ba ang estado ng Ekonomiya ng Pilipinas dahil sa Social Media Day na yan?
May pauso ang Mashable. Pangatlong taon na nilang sine-celebrate ang Social Media Day na ito. Bukas, magkakaroon ng sabay-sabay na gathering sa mga key spots sa mga pangunahing cities para itipon ang mga Social Media users. Party-party lang siguro ang peg.
Dito sa Makati, sa Ayala Triangle fountain magaganap ang party. Gabi yun. Mga 7pm siguro. Hindi ko alam kung pupunta ako pero sana lang wag ulanin.
Bakit ba? Gaano na ba ka-importante ang Social Media ngayon? E ano kung may http://mrcrowder.us/category/2017-school-year/ BLOG ka; Ano naman sakin kung marunong ka mag upload ng videos sa Pāthardi YOUTUBE; Makakatulong ba sa kapakanan mo ang TWITTER followers mo; mapapakain ba ang mga anak mo dahil meron kang PLURK; Magkakaron ka ba ng girlfriend dahil sa TUMBLR, PINTEREST, at INSTAGRAM mo.
Siguro nga, puro porma lang at mga may kaya lang ang nasa social media. Pero tandaan mo, minsan na tayo nailigtas ng Social Media. Natatandaan mo ba nung panahon ng Ondoy? Halos lahat ng tulong at simpatya ng buong mundo ay nakuha natin gamit ang mga Social Media networks.
Nandyan ang bayanihan sa BarrioSiete.com.
Sayo ba, paano ba nakatulong sa iyo ang Social Media? Kailangan din natin magpasalamat sa technology na to kahit papano.