Patawa ba yang pangalan na yan? SOLANE? Feeling ko, may curves na ang tangke ng gas dahil sa Solane na yan. Ano ang apelyido ng gas na yan? Heussaff?
Nung nalaman ko ang balita, research kaagad ako. Madali lang naman mag pull up ng Google.com at magtype ng Solane sa search bar.

Solane Gas
Naalala ko tuloy kwento ng Parrot ni Aling Buning. Alam naman natin na ang parrot e magaling manggaya ng boses at salita. Parating umo-order si Aling Buning ng Shellane Gas sa naglalako na mama sa kalsada. Nakatira sa 7th floor si Aling Buning.
Minsan, isang araw, nasira ang elevator ng building nila Aling Buning. Sakto naman at umalis ang ale at may ka-eyeball na textmate. Naiwan mag-isa ang parrot sa bahay.
Dumaan ang naglalako ng Shellane Gas. Sumisigaw pa ito ng “Shellaaaaannnee, Shellaaaaanee kayu dyaaannnnn”. Di ko alam pero sa Universe nila, hindi uso ang o-order ka ng Shellane gas sa telepono.
Syempre, ang madaldal ang ibon ay sumagot, “Isang Shellane gas po, isang Shellane gas po.”
Nang marinig ng tindero, dali-dali siyang kumuha ng isang tangke na may bigay na 30Kilos. Inakyat niya ito sa 7th floor pero wala siyang nadatnan na customer. Ang nakita niya lang ay isang parrot na sumisigaw, “Isang Shellane gas po, isang Shellane gas po”.
Sa inis ng tindero, kumuha siya ng martilyo at pako. Ipinako niya ang parrot sa dingding na nakadipa. Itinatabi niya ito sa Krus ni Hesukristo at iniwan.
Medyo natagalan sa eyeball si Aling Buning kaya may anim na oras din ang parrot na nakapako sa dingding. Umangal ito kay Hesus, “bakit po ako pinako ng ganito! antagal ko naman dito, hindi pa dumarating ang amo ko”.
Sumagot si Hesus, “buti nga ikaw, anim na oras lang dyan, ako dalawang milenya na nakapako at wala pang naka-isip magbaba sa akin”.
Namilosopo ang parrot, “bakit? ilang Shellane Gas ba ang inorder ninyo?”
*DISCLAIMER: sa Homily ng pari ko po narinig ang kwento na yan.
Bukod sa namigay sila ng sponsored posts at hindi ako sinabihan, napag-alaman ko na:
- pangalan lang ang pinag-iba. same pa rin na Shell ang pinanggagalingan.
- trip lang nila palitan ng pangalan para tunog “environmental” dahil Sol means Sun ne medyo unli-Energy ang dating.
- pwede ka mag-order online for a chance to win 1 year supply of Solane gas.click here.
- you get a free ref magnet sa unang delivery. may free gift din sa lahat ng kasunod pa na delivery.
- meron silang 7-point safety check na ino-offer din ng SPEEDY-LPG
- maraming di nakakaalam ng katotohanan. feeling nila, joke joke lang ang Solane gas.
Ako rin naman, laughtrip din ako sa balitang to. Pero kung gusto mo ng mas-sexy na gas, bibili ka talaga ng Solane Gas.