7 Things To Do pag WALANG PASOK!

Maulan sa Metro Manila. Binabaha na ang iba’t ibang lugar. Kahit na maayos ang drainage, sa dami ng kendi wrappers na tinapon ko sa kalsada last week, sure ako na babara yun at magbabaha pa rin.

Yehey! Nakatulong ako para mabawasan ang karunungan ng kabataan ngayon at pabagalin ang pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Anyway, punta na tayo sa topic ng blogpost. Ano ba ang pwedeng gawin ng kabataan Pilipino pag walang pasok sa school?

  1. Makipaglaro ng chess sa kapatid. Pwede rin naman na Scrabble, Dama, Pardigana, Monopoly, Jengga, at Pusoy Dos. Basta panahon na para ilabas ang mga nakatago na Board Games dahil Bored kayo (wordplay FTW!).
  2. Ubusin ang mga pagkain. Hindi ko sinasabi na yung mga bagong bili ang dapat ninyo ubusin. Tignan ninyo ang ref ninyo, pati na rin yung mga food cabinet. Hunt for the ones na malapit na mag-expire. Sayang yan. Kainin ninyo yan.
  3. Subukan maghanap ng pera. Sabi ko lang naman, subukan, hindi yung maghanap talaga. Iangat mo ang kama mo, magwalis ka sa ilalim ng mga sofa at lamesa. Halungkatin ang mga drawer at i-check ang mga bulsa ng mga damit. Pag nakakita ka ng pera, good for you. Pag hindi naman, edi matutuwa sayo ang parents mo dahil sure ako na iaayos mo sa linis ang lahat ng hinalungkat mo.
  4. Mag practice kumanta/sumayaw. May hidden talent ka at wag mo tong itago, lalo pa’t malakas ang patak ng ulan at hindi maririnig ng kapitbahay ang sintunado mong boses. Also, kesa matulog ka sa kama, subukan mo mag-ehersisyo gamit ang pagsasayaw.
  5. Mag advanced reading. Pagbalik mo sa klase, sure ako na may maire-recite ka sa titser mo pag tinanong niya sa inyo kung kaninong expedisyon ang tagumpay na nakapasok sa Maynila. Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na to.
  6. Pagplanuhan ang susunod na getaway. Hindi hadlang ang ulan sa labas para hindi mo ma-enjoy ang mga bakasyon na darating. Tandaan, 4 months na lang at Sembreak na. Kahit kasisimula pa lang ng klase, pero sa dami ng pwede mo maging kaibigan sa school, sure ako na gusto rin nila mag-lakwatsa pag wala nang klase.
  7. Magbasa ng mga blog. Marami kang matututunan sa ibang tao. Dapat lang, alam mo kung saan at paano hahanapin (Google).

Eto ay mga ideya ko lang naman. Bahala ka na kung susundin mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *