Click Ba Ang Tandem ni Jodi at Papa Chen?

Di ko pa alam talaga, pero feeling ko, click naman sila. Napanuod ko ang Trailer/Commercial at nakakakilig naman talaga yung pagsabi ni Jodi ng I Love You at pagsagot ni Papa Chen ng I Love You too.

Richard Yap at Jodi Sta. Maria

Richard Yap at Jodi Sta. Maria

“BE CAREFUL WITH MY HEART,” MAGPAPAKILIG NA SA PRIME-TANGHALI! Magbubukas na ngayong Lunes (Hulyo 9), 10:45am, bago ang “It’s Showtime” ang pinakainaabangang Prime-Tanghali kilig-seryeng pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard ‘Papa Chen’ Yap, ang “Be Careful With My Heart.”

Sabi ng abscbnpr.com, “Busugin ng kilig ang puso araw-araw sa ‘good vibes’ na hatid ng kakaibang love story ng probinsyanang ‘big dreamer’ na si Maya (Jodi) at ng ‘cutie but serious’ na negosyanteng biyudo na si Richard.” E sino ba naman ang hindi kikiligin ke Papa Chen.

Crush ko si Jodi. Ngayon lang siguro to dahil hindi naman talaga ako fan nung siya pa si George sa Tabing Ilog. Naaalala ko pa dati, si Baron Geisler ang partner niya sa mga movies at TV shows. Kung tutuusin, matanda na rin ang fans ni Jodi.

Marami naman ang may gusto sa charm ni Papa Chen. Bukod sa matalino, mukha pang mayaman na Chinito si Richard Yap. Sabihin na natin na baguhan siya sa industry pero ang fan base niya ay mga baguhan din. Kahit mga teenagers, gusto siya.

Ironic di ba?

Wholesome ang palabas dahil sa umaga nitong time slot. Matagal-tagal na rin walang teleserye sa umaga. Maibabalik kaya nila ang lakas ng Kilig-Serye sa morning?

Sure ako marami na namang pickup lines ang makukuha sa palabas na to. Aabangan ko ang mga yun!

Up na nga pala ang Wikipedia page ng Be Careful With My Heart. Click lang dito.

You may also follow updates with it using Twitter. @JodiStaMaria at @RiChennatiques.

Eto sinasabi kong Trailer:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *