Daily Archives: 2012-07-11

Memory Miyerkules Fund Raising

Grade 5 ata ako nun o Grade 6. Hindi ko maalala ng lubos. Basta ang alam ko, President ako ng klase namin.

Patapos na ang taon nun. Nauna mag exam ang honor students dahil ihahabol ang grades para sa Recognition Rites. So habang nage-exam ang iba kong mga kaklase, nakapila ako kasama ng iba pang mga nasa Honor Roll para sa isang practice.

Sa pila, napag-usapan namin na bigyan ng regalo ang aming advisor na si Mrs. Patupat. Birthday niya rin ata nun. Pasasalamat sa pag-aalaga sa amin. Mahal na mahal naman kasi namin siya. Magaling siya magturo at magaling humawak ng estudyante.

Bilang presidente, nag-draft ako ng sulat para sa lahat ng miyembro ng klase. Nasa 25 na students kami sa loob ng klase. 30 pesos ata bawat isa. Nagpagawa kami ng caricature ni Mrs Patupat at bumili na rin ng cake.

Hindi lahat pumayag, pero karamihan naman ng natulungan ni Mrs. Patupat at na-touch ng kanyang pagtuturo ay sumuporta. Nakalikom kami ng sapat para maibigay ang gusto namin ibigay. May sumobra pa nga ata dun. Di ko alam kung ano na ginawa ng treasurer sa pera. Mga 15 pesos lang ata yung sukli.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Hiphop Community reacted HEAVILY on "6 Reasons Why Shehyee and Smugglaz …"

Hindi ko layunin na sagutin ng seryoso ang bawat comment. Hindi ako naghahanap ng away. Ang sinasabi ko lang, pag naging viral ang blog post mo, hindi maiiwasan na may masasakit at nakakatakot na comments. Dapat handa ka, bilang blogger, para sa mga ganito.

Kung takot ka sa mga comments, wag ka na magblog.

Kaya naman gusto ko i-share ang mga comments dun sa viral blogpost ko last Saturday.  Malupit to. Pictures na lang para walang copy paste.

ansakit naman neto

ansakit naman neto

eto sure ka na patawa lang

eto sure ka na patawa lang

eto reaction ni jskeelz, nakakatakot talaga. parang kakainin ka ng buhay

eto reaction ni jskeelz, nakakatakot talaga. parang kakainin ka ng buhay

reaction ni Target ng DC Clan

reaction ni Target ng DC Clan. nakakatuwa dahil pinapansin din pala ng mga Heavyweights ang nakiki-hiphop na blogger na kagaya ko.

At syempre, ang mga malulupit na tao na topic ng blogpost ay may reaction din.

si Smugglaz

nag-TWEET sakin si Smugg. Mabait din siya sa Twitter. Follow ninyo siya @Smugglaz187

At syempre, ang nagpa-trending, nagpa-viral, at nagbigay ng malupit na traffic sa Web site ko, maraming maraming salamat sa Prinsipe ng Rebuttal at Agresibong Ebolusyon na si Shehyee. Bukod sa Re-Tweet, nag share pa siya sa FB niya.

Shehyee's opinion/reaction

sorry Shehyee. 20 years old ka pa lang pala. 🙂

Maraming salamat sa lahat sa kanila. May mga poser pa na 2khelle at Loonie na nag-comment, salamat din po.

Maraming maraming salamat din sa lahat na nag-like sa article na yun. Gagalingan ko pa sa pagsusulat sa susunod. Comment lang kayo.

*Nabigyan nga pala ako ng extra raket. Isa sa mga nakabasa ang nag-offer sa akin na magsulat para sa blog nila. Excited na ako mag-guest blogger sa isang music blog. Maraming salamat. 🙂

Definition: Site Stat Spike – FlipTop Battle League

Kung blogger ka, matutuwa ka kapag alam mo na may bumibisita ng blog mo at nagbabasa ng mga kwento mo. Hindi na importante kung galit sila sayo, suma-sang ayon o hindi; ang importante, pinapansin ka nila.

Syempre mas nakakataba ng puso kung sang-ayon sila sa sinulat mo.

At kung hindi naman, mas ok pag ang comment nila ay pag-atake sa mga maling sinabi mo para ma-aral mo rin ng mabuti kung bakit magkaiba kayo ng pananaw.

Yan ang nangyari sa blog ko noong Sunday. Hindi ko na sasabihin ang mga detalye, basahin niyo na lang sa link na to. CLICK HERE.

Basta ang gusto ko ipakita sa inyo, ang site stats ko:

Site Stat Spike - FlipTop Battle League

Site Stat Spike – FlipTop Battle League

Di ko alam kung dahil maganda ang pagkakasulat o dahil interesting talaga ang mga points ko. Di ko sure kung dahil ok ang timing ng blogpost at malaki din ang fan base ng topic.

Ang gusto ko lang sabihin, nagpapasalamat ako sa lahat ng involved. Sa lahat na nag-like, nag-share, nag-comment, at nagbasa pero hindi nagparamdam, maraming maraming salamat.

Salamat sa Google para sa search terms na Loonie, Abra, Shehyee, Smugglaz at Versus. Salamat sa nagbigay sakin ng tip na mag-post ng “6 reasons o 6 Ways to…” Salamat sa magandang meta-date na binibigay ng WordPress.

Salamat talaga. Ipo-point out ko na lang sa isa pang blogpost ang mga controversial comments sa blogpost, pero for now, maraming maraming salamat!

*Pag nagsulat ka talaga tungkol sa FlipTop, maganda ang traffic na babalik. Susulat pa ako ulit kahit na sabihan ako na “nagpapaka-hiphop”. Ganyan ko kamahal ang FlipTop.