Definition: Site Stat Spike – FlipTop Battle League

Kung blogger ka, matutuwa ka kapag alam mo na may bumibisita ng blog mo at nagbabasa ng mga kwento mo. Hindi na importante kung galit sila sayo, suma-sang ayon o hindi; ang importante, pinapansin ka nila.

Syempre mas nakakataba ng puso kung sang-ayon sila sa sinulat mo.

At kung hindi naman, mas ok pag ang comment nila ay pag-atake sa mga maling sinabi mo para ma-aral mo rin ng mabuti kung bakit magkaiba kayo ng pananaw.

Yan ang nangyari sa blog ko noong Sunday. Hindi ko na sasabihin ang mga detalye, basahin niyo na lang sa link na to. CLICK HERE.

Basta ang gusto ko ipakita sa inyo, ang site stats ko:

Site Stat Spike - FlipTop Battle League

Site Stat Spike – FlipTop Battle League

Di ko alam kung dahil maganda ang pagkakasulat o dahil interesting talaga ang mga points ko. Di ko sure kung dahil ok ang timing ng blogpost at malaki din ang fan base ng topic.

Ang gusto ko lang sabihin, nagpapasalamat ako sa lahat ng involved. Sa lahat na nag-like, nag-share, nag-comment, at nagbasa pero hindi nagparamdam, maraming maraming salamat.

Salamat sa Google para sa search terms na Loonie, Abra, Shehyee, Smugglaz at Versus. Salamat sa nagbigay sakin ng tip na mag-post ng “6 reasons o 6 Ways to…” Salamat sa magandang meta-date na binibigay ng WordPress.

Salamat talaga. Ipo-point out ko na lang sa isa pang blogpost ang mga controversial comments sa blogpost, pero for now, maraming maraming salamat!

*Pag nagsulat ka talaga tungkol sa FlipTop, maganda ang traffic na babalik. Susulat pa ako ulit kahit na sabihan ako na “nagpapaka-hiphop”. Ganyan ko kamahal ang FlipTop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *