Monthly Archives: August 2012

Breaking News: Call Center Agent, Sinapian Habang Nasa Traning Room

Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong balita. Sa tagal ko na dito sa kumpanya namin, ngayon lang ako nakarinig ng news na may sinapian habang nasa training. Actually, ngayon lang ako nakarinig ng balita na may sinapian sa call center.

Wala naman kasing mumu dito sa building namin.

Sa 5th floor training room daw naganap ang nakakakilabot na pangyayari. Ayon sa isang kaibigan na bukas ang third eye, may matandang multo na mahilig magbihis ng puting damit na nilabhan sa Tide, ang tumatawid mula sa Training Room 1 papunta sa Training Room 2. Hindi pa makilala ang mumu na to dahil wala naman siyang suot na ID.  Hindi rin naman daw makausap dahil introvert ang mumu.

Nagkakaroon kasi ng training para ilipat ang higit sa isan g dosenang agents ng Tier 1 papunta sa Tier 1.5. Medyo mahirap ang Tier 1.5 kaya bukod sa multo, isa din sa mga kinatatakutan ang paglilipat sa isang call center agent sa Tier 1.5 Kung ako ang tatanungin mo, mas mabuti pa na magpa-Tier 2 ka na lang dahil mas kaunti ang load ng trabaho doon. Kailangan mo nga lang ng mas malupit na Technical Skills.

Kaya ganun na lamang ang takot ng buong klase ng biglang sinapian daw ang isa sa mga trainee. Hindi raw maintindihan ang mga pinagsasasabi ng call center agent na sinapian. Hindi naman mga jargons ang sinasabi at hindi rin naman alphabeks. Basta out of this world daw . Puro silent Z at silent D raw ang mga words. Pabulong ang mga salita at may tunog na SH at TH.

Tumulong pa raw ang aming manager na parating nakabukaka para patahanin ang biktima pero nasipa lang siya nito. Nakahiga daw ang sinasapian at lahat ng magtangkang lumapit ay tumitilapon na parang tinatamaan ng kamehameha ni Son Goku.

Bilang lunas, sinedate ang biktima gamit ang injection na bigay ng mga alagad ni Dick Gordon.

Mukhang may gustong ipahiwatig ang multo na mahilig magsuot ng laba sa Tide.

Limang piso lang.

Memory Miyerkules S2: Punit na Litrato

Grade 5 ako non. Mahilig ako tumambay sa classroom ng kuya ko na Grade 6 naman. Di ko lang siguro talaga feel ang makisalamuha sa mga classmates ko kasi mga isip bata sila. Parang hindi sila Grade 5. Parang Grade 4 lang ang pag-iisip nila.

At kilala naman ako ng Grade 6 class dahil nga sa kuya ko. Kahit hindi kami gaano magkamukha, may mga mannerism (tama ba spelling?) naman kami na pareho. Mas gwapo ako pero sabi nila, mas matalino daw siya. Nakasalamin kasi kaya mukhang matalino. Basta ang alam ko, mas marunong akong gumawa ng eroplanong papel kesa sa kanya.

Punit

Punit (picture galing sa colourbox)

Minsan, isang araw na wala pa ang teacher namin, bumisita ulit ako sa kwarto ng Grade 6. Nagdala ako ng maliit na picture nung bata pa kami ng kuya ko. Naka basketball jersey kaming dalawa sa picture. Pina-sadya ng mommy ko ang uniform dahil fan ang lolo ko ng Tender Juicy hotdogs na team.

Gusto ko patunayan sa lahat na kuya ko nga talaga yung kaklase nila.

Ang kaso, sumunod sa akin ang isa sa mga pilyo kong kaklase. Hindi ko alam kung inggit lang siya dahil welcome ako sa Grade 6 classroom kaya niya ginawa yun.

Kinuha niya ang litrato sa mga kamay ko, dinala niya sa harap, binigyan ako ng universal sign na middle finger pati na rin ang lahat ng nasa classroom. Nang makuha niya ang atensyon ng lahat, ginawa niya ang karumaldumal na gawain na title ng blogpost na ito.

Di ko alam kung bat niya ginawa yun. Ang alam ko lang, may kuya siya noon na 2nd year HS at hindi siya pinapayagan ng kuya niya na bumisita sa classroom nila.

Hindi ako nakarinig ng kahit na isang “sorry” mula sa kanya, kahit ngayong matatanda na kami.

A Short Visit To The Nuvali Wake Park

Napadaan lang kami, wala talaga kaming plano na mag wakeboarding dahil hindi naman kami marunong. Isa pa, wala rin kaming budget.

Pero dumaan na rin kami, sayang ang biyahe e. Galing na lang din kami ng Batangas at sa Tagaytay kami dumaan pauwi kaya on the way naman ang Nuvali Wake Park.

Actually, ang tunay na pangalan ng lugar ay Repub1c Wakepark. Hindi siya madaling puntahan dahil wala namang public transpo na bumabyahe papunta don. Bawal ang tricycle. Hindi ko rin alam kung may mga shuttle papunta doon.

Nuvali Wake Park Laguna

Nuvali Wake Park Laguna

Puro may kaya ang pumupunta. Hindi kasi pang mahirap ang sport. 250 pesos ang isang oras doon. Pipila ka pa at sa tantya ko, makaka 4 runs ka lang. Para sa akin, mas sulit pa rin ang surfing. Ang kaso lang, malayo talaga ang mga surf spots habang ang Nuvali Wakepark ay humigit kumulang isang oras lang from Manila.

Ang pinaka-magandang araw na pumunta dito e tuwing weekdays, school hours. Yung bang wala pang mga estudyante at mga masisipag na nagta-trabaho na pupunta. Para ma-solo ninyo yung lugar.

Bawal magpasok ng pagkain, pero kagaya sa Enchanted Kingdom, pwede ka pumunta sa parking lot at dun kumain ng baon ninyo. Pwede ka rin naman umorder na lang sa loob dahil may restaurant naman dun.

Kung wala kang sariling wakeboard, vest, at helmet, meron din na nagpapa-rent. Di ko lang sure kung magkano, pero 250 pesos din ata.

Also, may lugar para sa mga beginners. Tuturuan ka nila kung pano sumakay sa wakeboard. Yung mga experienced naman, nakapila sa lagoon. Tip lang ha, meron dun mga naka bikini na foreigners. In short, may mga seksi. Sight seeing mode nga yung pinaka-manyak kong tropa e.

Kung gusto ninyo subukan, sabihan ninyo ako para masamahan ko kayo. Basta ililibre ninyo ako!

Counter Blog: OPM isn’t dead you idiot.

Basahin ang original post dito: CLICK HERE.

Tama, OPM is not dead, at tama rin na matuturing na BOBO o INUTIL ang nagsasabi na dead na nga ang OPM.

Unang-una, hindi lang Pop at Rock ang music genre na meron ang Pinas. Meron din tayong Hiphop na pinamunuan ng ating Master Rapper na si Francis M, may he rest in peace.

2 years ago nang mabuo ang FlipTop Battle League. Matapos ang ilang buwan, nag-decide ako na pakinggan na rin ang musika ng mga Battle Emcees dahil na bore ako sa kakaulit-ulit ng mga battles nila Dello, Batas, Loonie, Abra, Zaito, at Target. Para na rin malaman ko kung anong kanta ang ginagamit nila sa intro nila.

Nagulat na lang din ako dahil andami palang mga kanta na ginawa ng mga taong ito bago pa man umusbong ang FlipTop. May mga YouTube Channels sila at may mga soundcloud accounts kung saan pwede mo mapakinggan ang kanilang mga obra. Hindi naging mahirap sa akin ang paghahanap ng mga kanta nila.

At na-enjoy ko naman talaga dahil nakaka-appreciate naman din talaga ako ng hiphop.

Bilang patunay, eto ang ilan sa mga accounts nila na pwede mong pakinggan ng kanilang mga kanta:

http://skwaterhawz.blogspot.com/
http://www.flipmusicproductions.com/

Sample lang yan dahil yan lang ang mga alam kong Web site from the top of my head. Yung mga artists ngayon, bakit kaya hindi nila subukan na gawin ang ginagawa ng mga ito.

Gawa lang tayo ng kanta at upload lang. Mapapansin din tayo. Kung nasa puso mo talaga ang musika, bakit hindi?!

At wag kang umasa na sa isang kanta lang e sisikat ka na!