My New Address Viceroy McKinley Hill

Matagal ko na talagang iniisip ang pros and cons ng pagkuha ng isang condo na malapit sa lahat; and when I say lahat, I mean LAHAT. Yun bang hindi mo na kailangan pang mag-jeep para makapunta sa Mall, hindi mo na kailangan pang mag Bus para makanuod ng sine, at hindi mo na kailangan mag-Taxi pag uuwi ka na lasing.

Kaya naman nung sinabihan ako ng commontablepr.blogspot.com na pumunta sa media night ng MegaWorld para i-introduce ang Viceroy, pinuntahan ko talaga kahit na bumabagyo. Kailangan ko din kasi makita kung ito talaga ang condo na para sa akin.

Viceroy McKinley Hill

Viceroy McKinley Hill

Kilala na ang Megaworld bilang malupit na developer. Hindi sila basta-basta na nagtatayo ng mga buildings sa mga lugar na masikip at magulo na. Instead of putting up high rise residences sa busy areas, they choose to develop a place and build from scratch. Tignan na lang ninyo ang ginawa nila sa Eastwood City, Libis.

Ang ayoko lang sa Libis, territoryo ng mga taga QC (read Katipunan-Ateneo).

The Libis of the Southern part of Metro Manila would be McKinley Hill. Ang 50 Hectares na Upper McKinley ay isang Township na very promising. Sa ngayon, maipagmamalaki nila ang Thomson Reuters at Cognizant bilang mga established jobs sa lugar. Andyan din ang Venice Piazza na isa sa pinakamagandang pasyalan ngayon. Ang uphill-downhill slopes ng lugar ay paboritong takbuhan ng mga runners. Pag nandun ka sa area, parang wala ka sa Pilipinas.

Apat na towers at lahat ay umaakyat hanggang sa 22nd floor. Meron 1 bedroon at studio suites.

Syempre, secure ang lugar. Malayo sa EDSA at sa mga hotspots kung saan may pinapasabog na mga bomba. Napapaligiran pa ng mga Class A subdivisions kagaya ng Forbes Park.

At nakita ko ang model unit, MATAAS ANG HEADROOM!

Considering na P8,000 per month ang presyo nya ngayon, hindi na masama. Napapa-isip tuloy ako.

MEGAWORLD CORPORATION
COMMERCE AND INDUSTRY PLAZA
1030 Campus Avenue corner Park Avenue, McKinley Town Center, Fort Bonifacio Taguig City
(632)815-1888 / 8400602
sales@megaworldcorp.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *