Memory Miyerkules: Ondoy Aftermath

Basahin ang Bagyong Ondoy Report ko gamit ang link na to: CLICK HERE!

Una sa lahat, pasensya na at wala akong Memory Miyerkules blogpost last week. Dumaan kasi ang matinding hanging habagat na hinihigop ni Bagyong Gener kaya wala ako sa kundisyon last time. Actually, wala din ako sa kundisyon ngayon pero pipilitin ko magkwento.

September 2009 nangyari ang bagyong Ondoy. Binaha ng hanggang dibdib ang bahay namin. Ilang buwan din kaming nakatira sa second floor habang inuunti-unti namin ng paglilinis ang first floor.

Eto ang listahan ng mga inayos namin sa halos dalawang buwan:

  • Dalawang pasada sa bawat sala set. Apat na sala set yun!
  • Papeles ng mga tito at tita ko na hindi ko alam kung bakit tinatago pa namin.
  • Mga kinakalawang na lumang gamit sa kusina.
  • Mga de kahoy at de kuryente na appliances kasama na ang Refrigerator, piano at organ.
  • Feast bowls, decorative plates, at mga kubiertos.
  • Mga antique na TV, Speakers, player ng mga plaka at mga lumang CD records.
  • Ang dingding na nababad sa tubig.
  • Mga biglang lumutang na mga ipis at daga.

Grabe ang pag-aayos nun! Buti nakaraos.

At last week lang, Habagat naman na hanggang tuhod ang tubig. Isang linggo na kaming nakatira sa second floor ngayon. Mas mabilis at mas madali ang pag-aayos ngayon.

Pero yung ibang mga kababyan nating Pinoy, ano kaya sitwasyon nila?

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *