Counter Blog: LIVELIFETOTHEFULLEST.COM's Can Two Past Lovers Remain Friends?

In response to the blogpost of a friend HERE.

Para sa akin, oo ang sagot dyan. Bakit naman hindi?! Ako, kaibigan ko ang mga ex ko. Yung iba nga, minsan, kaharutan ko pa pero alam ko na hanggang doon na lang yun. Lalo pa’t ngayon na andyan na ang Diwata.

Past Lovers as Friends

Siguro lang, para lang ang quote na ito dun sa mga taong hindi pa nakaka move on. Yun bang bagong break lang sila ng ex niya at wala pa siyang nakikitang iba na mamahalin. Yun bang kaka break lang niya sa second relationship niya pero gusto niya balikan yung una dahil nalaman niya kung sino talaga ang nasa puso niya.

Sabihin na natin na naiisip ko rin ito dati, lalo na yung nasa loob ka pa rin ng 3 month rule. Ayaw mong maging magkaibigan lang kayo ng ex mo dahil di mo pa makita ang buhay mo nang wala siya. Sure ako hindi lang ako ang dumaan sa ganito.

Kwento ko lang ha, bilang patunay sa tanong ko.

2 weeks ago, habang kasama ko ang Diwata, nakatanggap ako ng isang text message mula kay Pink Maldita, ang aking most recent ex. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman yun magti-text ng one word message.

“PEPI!”

Hindi ko kagad sinabi sa Diwata na nag-text nga si Pink Maldita. Alam ko naman na naiintindihan niya yun dahil ganun din siya sa mga ex niya. Isang tawag lang, sasagot kaagad. Pupunta pa kung kinakailangan. Kapag pwede naman, bakit hindi, di ba? Malasakit ang tawag doon. Parang wala naman kayong pinagsamahan kung hindi ka marunong makisama.

Kaya naman nang maihatid ko na ang Diwata sa sakayan ng jeep, tinawagan ko kaagad si Pink Maldita. Tinanong ko kung ano ang problema. Alam kong meron dahil sa tono ng boses niya.

Pero hindi niya sinabi kung ano ang problema niya.

Hindi ko na pinilit, dahil alam ko naman na sa simpleng pagtawag ko na yun, nakatulong ako sa kanya. Napa-dama ko sa kanya na kung ano mang away ang nangyari sa amin dati, irrelevant na yun ngayon. I still got her back. Binaba namin ang telepono na wala naman halos pinag-usapan.

Nag follow up SMS na lang ako sa kanya na.

“[insert date of break up here], you lost a boy, but you never lost a friend.”

Na sinundan naman ng kanyang pag-update sa FB status niya ng ganito:

it’s nice to know that there are people who knows you well…

0 responses to “Counter Blog: LIVELIFETOTHEFULLEST.COM's Can Two Past Lovers Remain Friends?

  1. PinkMaldita

    August 16, 2010. exactly 2 years back. of course ex lovers can be friends. para lang sa mga bitter yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *