Memory Miyerkules S2: Punit na Litrato

Grade 5 ako non. Mahilig ako tumambay sa classroom ng kuya ko na Grade 6 naman. Di ko lang siguro talaga feel ang makisalamuha sa mga classmates ko kasi mga isip bata sila. Parang hindi sila Grade 5. Parang Grade 4 lang ang pag-iisip nila.

At kilala naman ako ng Grade 6 class dahil nga sa kuya ko. Kahit hindi kami gaano magkamukha, may mga mannerism (tama ba spelling?) naman kami na pareho. Mas gwapo ako pero sabi nila, mas matalino daw siya. Nakasalamin kasi kaya mukhang matalino. Basta ang alam ko, mas marunong akong gumawa ng eroplanong papel kesa sa kanya.

Punit

Punit (picture galing sa colourbox)

Minsan, isang araw na wala pa ang teacher namin, bumisita ulit ako sa kwarto ng Grade 6. Nagdala ako ng maliit na picture nung bata pa kami ng kuya ko. Naka basketball jersey kaming dalawa sa picture. Pina-sadya ng mommy ko ang uniform dahil fan ang lolo ko ng Tender Juicy hotdogs na team.

Gusto ko patunayan sa lahat na kuya ko nga talaga yung kaklase nila.

Ang kaso, sumunod sa akin ang isa sa mga pilyo kong kaklase. Hindi ko alam kung inggit lang siya dahil welcome ako sa Grade 6 classroom kaya niya ginawa yun.

Kinuha niya ang litrato sa mga kamay ko, dinala niya sa harap, binigyan ako ng universal sign na middle finger pati na rin ang lahat ng nasa classroom. Nang makuha niya ang atensyon ng lahat, ginawa niya ang karumaldumal na gawain na title ng blogpost na ito.

Di ko alam kung bat niya ginawa yun. Ang alam ko lang, may kuya siya noon na 2nd year HS at hindi siya pinapayagan ng kuya niya na bumisita sa classroom nila.

Hindi ako nakarinig ng kahit na isang “sorry” mula sa kanya, kahit ngayong matatanda na kami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *