Minsan na lang ako makabalik sa SM Southmall, at BIG SALE pa!
Walang stir ang pagka-BIG ng SALE nila. As in. Yung shorts na nabili ko, from 869 pesos, 300 pesos na lang. Tapos yung unan na dragon galing sa Toy Kingdom, from 299 pesos, 100 pesos na lang.
Lumalabas na 60% off yung mga nabili ko.
Kasama ko ang mga bloggers na sina Jay L, Kuya Ruel at Anna Banana. Nalibot namin ang buong mall sa loob lang ng 2 hours dahil maliit naman siya relatively. Nalibot lang, hindi lahat ng shops napasok namin.
Actually, nagtagal kami sa Department Store dahil dun talaga mura ang mga items. May nakita pa nga akong magandang shirt ng Sahara na 250 pesos lang. Wala nga lang size ko.
Kagaya ng maraming mga SM, marami talagang tao pag may Sale. Pero manageable naman dahil spacious naman ang lugar. Maganda din ang parking lot sa SM Southmall. Hindi ka pa maliligaw dahil nasa Alabang-Zapote road lang siya.
Kung magko-commute ka, pinakamabilis ang mag SLEX papunta sa Alabang at mag-jeep ka na lang pabalik kumpara sa kapag nag Coastal Road ka.
I will surely mark these BIG SALE ‘s in my calendar. Lalo na ngayon at malapit na ang pasko, kailangan mautak ka sa pagbili ng mga ipanreregalo. Makakamura ka talaga pag may sale.
Last day na bukas. August 30 to September 2 lang ang The Big Sale. Pwede pa kayo humabol!