Daily Archives: 2012-09-12

Me and My Bestfriend Misagh Bahadoran

Misagh Bahadoran,
striker for the Muzangs (Philippine Futsal)
#9 Azkals 

Well, hindi ko naman talaga siya best friend, pero sa sobrang kulit niya, kikilalanin mo talaga siyang bestfriend. Actually, gusto ko na siya maging bestfriend.

I am sure, maraming chicks ang nahuhumaling sa kanya. Biruin mo, he scored 10 goals against Indonesia. I bet you didn’t know that.

Promking and Misagh Bahadoran

Promking and Misagh Bahadoran (salamat kay Azrael Coladilla para sa picture)

 <more pictures here>

He now plays for the Azkals, pero he still is with Muzangs together with Paolo Pascual and Daniel Matsunaga. Oo, si Daniel Matsunaga, yung gwapo na model at artista ng TV5. Paki-Google na lang dahil wala gaanong laman ang mga Wikipedia page nila.

Nakadaupang palad ko sila sa recent e-Plus Teen Gathering event about 2 weeks ago. Ginanap yun sa MOA Arena. Ang saya nga e. Umuwi lang ako kaagad at di ko na naabutan mag-perform ang Sandwich at General Luna.

Maliit lang naman na Meet an Greet sa Philippine Muzangs ang nangyari. Konting tanong at pictures lang with the fans. Afterwhich, nagka-kwentuhan lang kami ng buong team at kadalasan, si Misagh ang sumasagot. Ang pinakanaa-alala ko nga sa kanya e nun tinawag niyang Machine Gun yung multiple flash ng camera nun kanilang photographer. Kwela talaga, as in.

Salamat sa Globe Telecoms at sa Accel para sa pag-sponsor sa mga athletes natin sa Futsal. I am sure, pag dumami pa ang suporta, makakapag-uwi rin sila ng tropeyo!

Memory Miyerkules – Kopya

High School days. Recess.

Kultura na namin ang magkopyahan ng assignments. Ang tawag namin dun, pag-compare ng notes. Don’t get me wrong ha, hindi ako ang kumokopya. Ako ang kinokopyahan.

At dahil tamad ako, hindi sila nakaka-kopya sa homework ko hanggang sa last minute ng recess. Kahit kahapon pa binigay ang assignment, gagawin ko lang to sa recess, yung break bago dumating ang teacher ng Math.

Kung may nakakabasa dito na galing sa High School ko, ipagpatawad po ninyo. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Anyway, pag natapos ko na ang assignment, iikot na ang papel ko sa loob ng classroom. Parang pokpok na pinagpapasa-pasahan ng siyam na lalaki ang papel ko. Yung iba, talagang nagko-compare lang ng answers, pero ang karamihan. Walang ginagawa kundi mangopya.

Maswerte ako kung may magsasabi sa akin na, “Pepi, mali ang solusyon mo sa number 6. Ganito dapat.” Pero kadalasan naman, wala. Matalino kasi ako!

Blog ko to kaya pwede akong magbuhat ng bangko.

One time, nang tinignan na ng Teacher namin ang mga papel, napansin niya na wala ang assignment ko sa mga pinasa. Ang mga KUMAG kong kaklase, matapos gahasain ang assignment ko e iniwan na lang nilang nakakalat sa tabi. Hindi man lang nila naisip na ibalik sa akin para ipasa. Ang buong akala ko pa naman, sila na ang magpapasa.

Nakakahiya talaga ang eksena na yun. Hinanap ko ang papel ko pero hindi ko makita. Ako pa tuloy ang nawalan ng assignment.

Nakita ko lang ang papel ko nun lunch na. Hindi ko maalala kung naipasa ko pa yung o tinanggap pa ng teacher. Basta ang alam ko, bad trip yung experience na yun.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Red Bull USED My Photos on Facebook on their FB page

Nakakagulat lang, andaming comments/shares nung mga Photos ko galing nung Reverse The Bad Running Event ng WWF last Sunday. Hindi ko alam kung bakit humihingi sa akin ng Red Bull products yung mga tao na nakakakita ng photos.

So hinanap ko kung bakit naging medyo VIRAL ang aking pictures. There must be something/someone who created the buzz, at siya nga naman at antuklasan ko na anim sa mga photos ko ay nai-share ng Red Bull sa kanilang Fan page.

Sponsor kasi sila nun event. May booth sila doon. Lahat ng finishers, binibigyan ng isang bote ng RedBull pampalakas. Astig di ba?

Redbull Supreme shared my photos on their FB page

Redbull Supreme shared my photos on their FB page (click the image)

Hindi ko naman sila pwedeng sawayin dahil nag-share lang naman sila. Isa pa, kitang-kita naman sa wall nila na Pepi De Leon’s photo yun.

Yung mga fans nila na nagko-comment ang nakakatuwa. Magaganda yung mga comments nila sa pictures ko. Nakakataba ng puso.

May nagsasabi pa na magandang match ang RedBull at saging dahil pampalakas talaga to.

Kaya naman nagpadala ako sa RedBull ng Private Message. Gusto ko sana humingi ng kaunting grasya sa kanila since ginamit naman nila ang pictures ko. Pag naiayos ko to, magpapa-contest ako ng RedBull products sa blog ko.

Sana lang, magreply sila, hehehe.

these pictures can be seen on the RedBull Supreme FB page

these pictures can be seen on the RedBull Supreme FB page

Salamat sa WithoutLimits at WWF para sa Reverse The Bad run. Salamat sa Campaigns & Grey na nag-invite sa akin to cover the event.