Daily Archives: 2012-09-18

The Next Outbreak will be at Enchanted Kingdom

October 31, 2012.

Hindi movie to. Ito ang kasunod sa series of Zombie Runs sa Philippines. Sa pagkakatanda ko, tapos na ang sa Nuvali at sa Boni High Street. Wala ka nang pagtataguan sa Pilipinas, kahit ang Enchanted Kingdom e pinasok na ng mga mindless walkers.

Di ko lang sure pero para sa akin, parang maliit na venue ang Enchanted Kingdom. Sure ako, maraming makakain na utak ang mga zombies dito.

Paraan din siguro to para ma-showcase ang maraming mga subdivisions na tinatayo sa paligid ng Theme Park. Tataas ang sales ng mga bahay at lupa doon dahil marami ang makakakita ng mga Villa Etcetera. For RENT nga pala ang bahay namin doon. Pag kailangan ninyo mangupahan sa lugar, sabihan niyo lang ako.

Wait, palabas na ba ang kasunod na season ng The Walking Dead?

Movie Review: The Hunting Party

now in SM Cinemas
special ticket discounts and treats when you use ePLUS.

Now this is a wake-up call for all journalists. When I say journalists, hindi yung mga kagaya ko na blogger. Journalists na mga gumraduate sa College na nag-aral ng ganun.

Dahil sila naman talaga ang nagsusulat na hindi naman talaga nakaka-experience ng kanilang bina-balita.

The Hunting Party

The Hunting Party, consists of Richard Gere, Terrence Howard and Jesse Eisenberg, mga journalists na napagkamalan na CIA Hit Squad nang nagpunta sa Bosnia para hanapin ang Hitler-like mass murderer na si The Fox. Biruin mo, magkakasama si Pretty Man, GI Joe at The Social Network star sa isang road trip para kumubra ng 5M price reward.

Kwela yung movie. Hindi ko alam kung comedy, action, suspense o documentary. Basta ang sure ako, hindi siya love story. Pero pwede na rin na Bromance.

Kahit na pagod at malamig sa sinehan, hindi pa rin ako inantok. Hindi ako nakatulog sa Lazy Boy sa Cinema 4 ng SM Megamall dahil kwela magsalita si Benjamin (Jesse) at puma-punchline naman si Simon Hunt (Gere). As usual, serious comedy pa rin si Terrence Howard na gumanap bilang Duck. Kwak Kwak.

Ito ang FAVORITE LINE ko sa movie:

Putting your life in danger is actually living. Anything else is television.

Which brings me to thinking, dapat talaga akong magpupunta at magpakita sa mga events, birthdays, weddings, o kahit na ano pa yan. Be more active, hindi yung nasa bahay lang at naglalaro ng computer. Hindi ko naman kasi dapat sinusulat ang hindi ko nae-experience.

SM Tickets
470-2222
http://www.smcinema.com
http://facebook.com/smcinema
http://twitter.com/sm_cinema

Salamat Campaigns & Grey sa invite.