The Next Outbreak will be at Enchanted Kingdom

October 31, 2012.

Hindi movie to. Ito ang kasunod sa series of Zombie Runs sa Philippines. Sa pagkakatanda ko, tapos na ang sa Nuvali at sa Boni High Street. Wala ka nang pagtataguan sa Pilipinas, kahit ang Enchanted Kingdom e pinasok na ng mga mindless walkers.

Di ko lang sure pero para sa akin, parang maliit na venue ang Enchanted Kingdom. Sure ako, maraming makakain na utak ang mga zombies dito.

Paraan din siguro to para ma-showcase ang maraming mga subdivisions na tinatayo sa paligid ng Theme Park. Tataas ang sales ng mga bahay at lupa doon dahil marami ang makakakita ng mga Villa Etcetera. For RENT nga pala ang bahay namin doon. Pag kailangan ninyo mangupahan sa lugar, sabihan niyo lang ako.

Wait, palabas na ba ang kasunod na season ng The Walking Dead?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *