Daily Archives: 2012-09-19

Memory Miyerkules: Walk Out Si Mary Ant

May isa kaming kaklase nung Grade 4 sa DCSR na mahilig mangutang. Ang utang niya sa akin noon, umabot na sa 140 pesos. Biruin mo, 140 pesos, samantalang ang baon ko sa araw-araw ay 7 pesos lang.

Oo, seveen pesos. 35 pesos ako per week. Lupet noh? May baon naman kasi ako na pang-recess at pan-lunch na pagkain. Wag mo paki-alaman ang baon ko. Tanong mo kay mommy at daddy ko kung bakit ganyan.

Anyway, pangalawa lang sa mga hobby ni JonV ang pangungutang. Ang unang hilig niya ay pakikipag-pustahan. At ginagamit niya ang galing niya sa logic para matakasan ang utang gamit ang pustahan.

Sample.

Isang araw, sinabi niya sakin. “Pag napa-walk out ko si Mary Ant sa classroom na to, wala na akong utang sayo”.

Pumayag naman ako, sa isang kundisyon. Dapat, within 20 seconds ng pagpasok niya sa room, mapapa-walk out mo na siya. Pag hindi nangyari yun, doble ang utang niya.

So ayun na, handshake ang nagbigay ng hudyat na may deal na kami. Pinanuod ko ang mga susunod na nangyari.

Recess nun, nasa labas ang karamihan sa mga kaklase namin. Naka-upo ako sa dulong upuan sa right side ng aisle dahil dun naman talaga ang upuan ko. Si JonV naman ay sa second row sa kabilang side ng aisle.

Pumasok si Mary Ant. Maganda siya kahit medyo payat na parang nakasampay sa kanya ang kanyang puting uniform.

Bumitaw si JonV ng dalawang salita. Malakas niyang sinabi, “Haaay, Nakoooo?!”

Napatingin ang lahat ng kaklase namin kay JonV. Nakatingin siya kay Mary Ant kaya naman ang lahat ng mata ay bumanda papunta sa babae naming kaklase.

Walang nagawa si Mary Ant kundi lumabas nang padabog matapos niyang tapatan ng tingin ang lahat ng mga mata na nakatitig sa kanya.