Daily Archives: 2012-09-25

Disk-O-Magic The Newest Attraction In Enchanted Kingdom

Kasabay ng 17th Anniversary ng number 1 Theme Park sa Pilipinas, binuksan na rin nila ang kanilang family fun ride na tinatawag na Disk O Magic. Free ang ride na ito para sa mga naka-ride all you can!

Twenty Four na tao ang pwedeng sumakay dito at any one time. Habang nakaupo sila na parang nakasakay sa bike, iikot sila na nakaharap sa labas habang sumasayaw ang disk sa arch na alam ng mga Physics High School Students na bibisita sa Enchanted Kingdom sa susunod na mga araw.

Disk O Magic Enchanted Kingdom

Disk O Magic at Enchanted Kingdom

Basta ang alam ko, 12 revolutions per minute yung disk na nagro-rock sa bilis na 20kph maximum. Pag nawalan ng kuryente, magre-rest lang ang disk sa gitna. Ganun yun ka-safe.

Disk-O-Magic is a state-of-the-art and award-winning ride that is recognized by the International Association of Amusement Parks and Attractions (IAAPA).

Sayang lang at umulan nung launch ng ride kaya hindi ako nakasakay. Hindi naman ako takot sa heights at sa mga ganitong adventure; takot lang akong magkasakit. Wala din kasi akong dala na pampalit at gabi na. May pasok pa ako kinabukasan.

Sobrang saya nun nakita kong umandar na yung Disk O Magic. Para akong nanuod ng malaking beyblade na maraming ilaw.

Ito ang Disk O Magic sa Enchanted Kingdom for 30 seconds:

 

 

FYI: umiikot ang Disk O Magic ng clockwise for the first 1.5 minutes at iikot ng counter clockwise sa susunod na 1.5 minutes.