Breaking News: Call Center Agent Na Mahilig Sa Laman At Taba, Nag ala-Gangster Sa Galit

Puro naman bouncer sa gilid.

Sa isang outing ng isang call center team na ang pangalan ay hango sa Defenders of the Universe, nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan. May dalawang agents daw kasi na natulog sa kwarto at hindi tinawag ng mga kasama nung kakain na.

Bakit naman kasi hindi tinawag!

Nang magising ang “magkaibigan”, napansin nila na tapos na kumain ang lahat. Dahil masinop din naman ang mga team mates nila, nalimas na ang lamesa. Kahit ako rin naman, magwawala ako at babasagin ko ang mga pinggan. May contribution ako sa funds ng team pero hindi ninyo ako tatawagin para kumain.

Ang masaklap pa nito, kung inubusan ninyo ako ng paborito kong Friend Chicken. Magkakamatayan tayo!

Pero hindi naman daw naging bayolente gaano ang kakagising lang na Call Center Agent. Ang ginawa lang niya, nagwalk out palabas ng resort. Ewan ko kung ano ginawa nun isa pa, parang nawala na siya sa istorya.

Anyway, may nakalimutan lang daw sa bag kaya bumalik. Yung ang sabi ng mga bulag na nakakita.

Ang mga nagbibingi-bingihan pa raw, narinig na may tinawagan ang Call Center Agent sa cellphone niya na Alcatel. Tumawag ata siya sa kanyang First Girlfriend para magpasundo.

Ako, pag nag-init ang ulo ko, tatawag ako kay Pamela para makapagsundot.

Balik sa storya, malakas daw ang speakers ng Videoke Machine kaya hindi na audible kung may sigawan naman na naganap. As far as I am concerned, wala akong nasagap na balita dahil wala namang gusto magkwento.

Tapos nag walk daw out ulit. Make up your mind pare. Kung babalik ka, dapat sumakay ka sa wheel chair ala Corona, para laman ka ng headlines at hindi lang sa blog na ito ikaw mafi-feature.

0 responses to “Breaking News: Call Center Agent Na Mahilig Sa Laman At Taba, Nag ala-Gangster Sa Galit

  1. Hahahaha. Kapag ako hindi tinirhan ng paborito kong hotdog, magwa-wala din ako. Lahat naman siguro kahit hindi ako. (aching)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *