TIME is more important than Love. Pano nya masasabi sayo na Love ka niya, kung hindi naman niya kayang magbigay sayo ng TIME.
Mayroon tayong 24 hours sa isang araw at 7 days sa isang Linggo. Sa madaling salita, mayroon ang bawat isa sa atin na 168 hours consumable. Libre na yun. Bigay sayo ni Lord.
http://hillaryaugustine.com/wordpress/wp-content/uploads/wp-blockup.php Skip this blogpost kung hindi ka nakasunod sa simple Math na yun. Continue Reading para sa mga marunong mag add.
Sa 168 hours na ito, 40 hours ang ibibigay mo sa trabaho. Kung student ka, 40 hours sa pag-aaral. Wag ka na umangal. Ang status mo sa FB ang magsasabi sayo kung saan mo dapat inilalaan ang 40 hours na ito.
8 hours a day naman ang tamang oras sa pagtulog. Matutulog ka everyday. 56 hours na kagad yun.
Kung marunong ka naman maligo, magtoothbrush, kumain, at tumae, masasabi mo na mga 3 hours per week na rin to. Kung vain ka, gawin mong 7 hours. Pero sakto na ang 4 hours para madali mag compute.
Traffic nga pala dito sa Manila. Sabihin natin na natin na 8 hours ang ginugugol mo papunta at pauwi sa trabaho every week. Kung higit pa dito ang actual hours mo, advise ko sayo na mag-isip ka na na lumipat ng tirahan. O di kaya, gumawa ka ng makabuluhang bagay habang nasa kalsada at bumibyahe.
40 + 56 + 4 + 10 = 108.
That means you just earned extra hours.
Ano naman ang magandang gawin sa EXTRA TIME mo na 60 hours? Wag ako ang tanungin mo, ikaw ang nagbabasa dito kaya ikaw ang sumagot.
Ako? Dahil gusto ko yumaman, ginagamit ko ang aking 60 extra hours para sa ikayayaman ko.
Read a book instead of reading on Facebook. Write on my blog instead of playing Airport Games. Read other blogs to motivate myself. Do a little workout to keep me healthy. Pray to God to keep me sane.Simple Math lang to dude.