Daily Archives: 2012-10-08

Logo Quiz Sa Samsung Phone

Tanghaling tapat, sa harap ng karendirya ni Germaine, tatlong lalaki na nakasando at isang babae na mahilig ngumiti ang nag-uusap ang nilapitan ng inyong lingkod. Nasa lilim silang lahat at nakapalibot sa isang Samsung Phone na nakabukas ang Logo Quiz na app.

Logo Quiz

Logo Quiz

Nagyoyosi ako at umiinom ng paborito kong Buko Juice.

Boy 1 (hawak ang celphone): Eto pare, logo to ng Johnnie Walker.

Boy 2 (patango na sumagot): Oo tama.

Boy 3 (tatango rin): …

Boy 1: Kaso pare, ayaw tanggapin. Sigurado ako na Johnnie Walker to.

Boy 2: Patingin nga. Kulang kasi ang ang letters mo!

Girl : Tignane mo, 7 letters ang unang word. Kulang ka ng isa. J-O-H-N-N-Y. Dapat 7, SIX lang yang nilalagay mo.

Boy 3: Ako na nga! (sabay kuha sa Samsung Phone) J-O-H-N-N-E-Y. Ayan, 7 letters.

Boy 2: Ayos na?!

Boy 3: Ayaw tanggapin, pre. Baka hindi Johnny Walker yang logo na yan.

Boy 1: Gago! Alam ko yan! May baston na naglalakad na matanda! Parang daddy long legs. Johnny Walker Yan!

Girl : Tatanga ninyo! (sabay lingon sa akin) Kuya, ano ba spelling nito?

AKO: Paki-try nga yang J-O-H-N-N-I-E.

Boy 3: J-O-H-N-N-I-E .. Ayun! pumasok! Ang galing mo kuya.

Girl : Syempre, Taga Aegis yan e. (sabay turo sa ID lace ko_)

Four Reasons Why KZ Tandingan Was Named X Factor Philippines Grand Winner

Kapwa Kampeon: KZ Tandingan wins ‘X Factor PH’ 

Kung hindi mo pa siya kilala, aba e, huli ka na sa balita. Siya ang taga Digos na sa audition pa lang ay nagpabilib hindi lang sa mga judges kundi sa mga taong nanonood sa TV.

KZ Tandingan X Factor Philippines Grand Winner

KZ Tandingan X Factor Philippines Grand Winner (photo from ABS CBN)

At ako, ramdam ko talaga ang talento na nago-overflow sa kanya.  Si KZ Tandingan ang early bird nung nagpaulan ng X Factor ang ating Almighty.

Ginamit pa nga siyang reference ni BLKD sa laban niya kay Apekz nun Dos Por Dos finals.

Bakit nga ba si KZ ang may PINAKA pagdating sa X Factor. Eto ang reasons ko:

  1. KZ’s style is a style unseen or unheard of of any Filipino artist. Mix siya ng Alicia Keys na Aaliyah na marunong mag rap. Para siyang pinaghalu-halo na T-Boz, Left-eye at Chilli all in one. Kung mapapansin mo, puro foreign artists ang pinagkukumparahan ko dahil wala talaga akong makita na kagaya niya sa Pinas.
  2. KZ is young but her choice of songs are classic. 20 year old pa lang tong si KZ pero ang songs niya na naghi-hit e mga kanta na alam ng lahat. Yung Somewhere Over The Rainbow, panahon pa ng mga magulang ko yun. Yung Kisapmata, 90’s yun. Nagdo-Dougie pa siya.
  3. KZ was mentored by Charice. Their compatibility is like that of Pacquiao and Roach. Totoo to. Kahit na biritera si Charice, na-explore niya ng maayos ang talent ni KZ. I cannot say na alam ni Charice ang KZ style pero there is no one better to mentor this upcoming artist. At yung exposure ni Charice sa international community na alam natin na dun lang pwede i-compare ang ability ni KZ, yun talaga ang nakatulong.
  4. KZ is not just a singer. She is an artist. Hindi ko na kailangan i-explain pa. Obvious na to.

Original pa ang pangalan na KZ. Ngayon lang ako nakakita ng nickname na ganyan. Hanggang ngayon nga, hindi ko alam ibig sabihin ng initials niya. Ang alam ko lang, Tandingan ang apelyido niya.

Follow KZ on Twitter. @queyzee
CONGRATULATIONS!
Isa kang Kampeon!