Logo Quiz Sa Samsung Phone

Tanghaling tapat, sa harap ng karendirya ni Germaine, tatlong lalaki na nakasando at isang babae na mahilig ngumiti ang nag-uusap ang nilapitan ng inyong lingkod. Nasa lilim silang lahat at nakapalibot sa isang Samsung Phone na nakabukas ang Logo Quiz na app.

Logo Quiz

Logo Quiz

Nagyoyosi ako at umiinom ng paborito kong Buko Juice.

Boy 1 (hawak ang celphone): Eto pare, logo to ng Johnnie Walker.

Boy 2 (patango na sumagot): Oo tama.

Boy 3 (tatango rin): …

Boy 1: Kaso pare, ayaw tanggapin. Sigurado ako na Johnnie Walker to.

Boy 2: Patingin nga. Kulang kasi ang ang letters mo!

Girl : Tignane mo, 7 letters ang unang word. Kulang ka ng isa. J-O-H-N-N-Y. Dapat 7, SIX lang yang nilalagay mo.

Boy 3: Ako na nga! (sabay kuha sa Samsung Phone) J-O-H-N-N-E-Y. Ayan, 7 letters.

Boy 2: Ayos na?!

Boy 3: Ayaw tanggapin, pre. Baka hindi Johnny Walker yang logo na yan.

Boy 1: Gago! Alam ko yan! May baston na naglalakad na matanda! Parang daddy long legs. Johnny Walker Yan!

Girl : Tatanga ninyo! (sabay lingon sa akin) Kuya, ano ba spelling nito?

AKO: Paki-try nga yang J-O-H-N-N-I-E.

Boy 3: J-O-H-N-N-I-E .. Ayun! pumasok! Ang galing mo kuya.

Girl : Syempre, Taga Aegis yan e. (sabay turo sa ID lace ko_)

0 responses to “Logo Quiz Sa Samsung Phone

  1. tangna mga adik! hahaha! Johnny ampota! =)

  2. ikaw na ang tga AEGIS!!haha 🙂
    bigla q tuloy namiss kumain xa likod and buko juice after! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *