Daily Archives: 2012-10-10

Travel Factor Boasts Its New Website

pioneer in group tours.

Kung hindi niyo alam kung ano ang Travel Factor, sila (actually KAMI) po ang pioneer sa mga group tours. Nago-offer po kami ng mga trips sa mga prime spots sa Pilipinas pati na rin sa ibang parts ng Asia. We will BACKPACK, CONQUER, DIVE, DINE, KODAK, SURF, SNOW, and BEACH BUM with THE Travel Factor.

2012 Travel Factor Web site

With continuous efforts of giving better services, na-release na po ang latest version ng Web site ng Travel Factor. Gone is the beta mode at full swing na kami!

It looks better. It navigates well too.
We studied your preferences on how you look for a trip and we’ve applied them to our website. Upon landing on our homepage you’ll notice a chronological display of our upcoming trips. You can choose to see them all, the upcoming trips on the weekend, or the trips for the current month.

You’ll also notice the navigation panel on the left. We’ve sorted our trips too based on categories. Interested to go surfing? Click on SURFVIVOR and it’ll display our upcoming surf trips. Browse through them, there are a lot!

It’s easier to register.

No more downloading regforms and emailing them! Now all you have to do is a pick a trip you like, select a schedule, fill-in your personal information and choose a payment method.

It’s easier to pay.
We now have 3 payment methods: Pay online via credit card (Mastercard and Visa) and get instan! t confirmation. Deposit your payment through our BPI account (Peso) or Metrobank account (Dollar). Or pay in cash here at the Travel Factor HQ.

It’s easier to get a Custom Tour.
Wanna create your own trip? Just click on the Custom Tour button on the lefthand portion of the site, fill-in the information and we’ll get back to you with a quote.

See you on one of our adventures!

Good Job TEAM TF!

We Know Adventure.
www.travelfactor.org

Landline: +632-7465119    TF Mobile: +63917-8475341 / +63917-8475342
Office Address:  5/F Bloomingdale Plaza, 200 Shaw Blvd., Brgy. Kapitolyo, Pasig City
Regular Office Hours: 10:00 AM – 7:00 PM Weekdays

Memory Miyerkules S2: Isaw sa Kanto

dalawang piso lang!

Sa San Lorenzo kami nakatira noon. Doon talaga ako lumaki. Simula Grade 2 hanggang matapos ng High School, dun kami namalagi.

Isa sa mga hindi ko makakalimutan na pinupuntahan e yung Barbecue stand ni Tandang. Yun ang pangalan ng may-ari dahil may alaga siyang mga manok na panabong. At suma-sideline siya ng pagtitinda ng barbecue.

isaw ng manok

ninakaw ko ang photo sa metromanilabarkada.com

Isaw ang paborito ko na binibenta niya.

Yung estante niya, isang de kahoy na parang cabinet na may plastic cover na pantakip para hindi langawin. Medyo  malabo na yung plastic cover dahil sa mantsa ng dugo. Walang nagbabantay ng estante. Honesty system kami doon. Kukuha ka ng gusto mo, dadalhin sa may gate nila at isasalang mo sa ihawan.

Bahala ka na rin kung kelan mo kukunin. Kung gusto mong tostado, patagalin mo sa ihawan. Kung gusto mo na sakto lang, ikaw rin ang bahala. Basta andun yung isang ale na walang humpay sa pagpaypay at pagpahid ng espesyal na sarsa.

Syempre andun din ang garapon na may special vinegar with complete spices. Lahat ng barbecue stops may ganyan. Kung take out ang order mo, may nakahanda na na sawsawan para sayo.

Ang pinakanakakatuwa ay ang presyo ng isaw. Dalawang piso kada stick. Kapareho lang ng dami ng isaw na nakikita ko ngayon sa Makati na may presyo na six pesos. 200% difference.

Saan kaya galing ang isaw ni Tandang?

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.