Financial Freedom Fridays: Tipid Pack is Not Very Tipid

Alam mo na to, hindi mo lang iniintindi.

Mahilig tayong mga Pinoy sa mga sachet. Ang toothpaste, sabon, shampoo, conditioner, kahit panlinis ng plato, naka-sachet. Kahit nga yung yosi, meron nag 5-piece na naka sachet.

Kung akala mo na nakamura ka, nagkakamali ka. Yung 80 ml na shampoo na mabibili mo ng 30-40 pesos, pag nilagay mo sa sachet, 80 pesos ang katumbas. Yung yosi na pag binili mo na isang kaha, kaya umabot ng 34 pesos pero 60 pesos pag tingi.

Simple lang naman ang sinasabi ko. Pag kaya mo bumili ng mas marami, dahil sigurado ka naman na gagamitin mo rin hanggang sa huling patak, bakit hindi. Makakatipid ka in the long run ng halos kalahati ng araw-araw na gastos mo.

Yung tipid pack, wag ka maniwala dun. Ikaw ang tinitipid, hindi ikaw ang nakakatipid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *