Daily Archives: 2012-10-17

Memory Miyerkuls S2: Pagtalon Mula sa 2nd Floor part 1

High School days.

May veranda yung classroom namin nung High School pa kami. Directly above the Principal’s office yun kaya ganun ang disenyo. Kaya naman pag walang klase, dun kami tumatambay.

Ang kaso, sira ang pintuan ng veranda. Pag nasarhan ka, walang paraan para mabuksan ulit yun mula sa labas. Kailangang itulak ng malakas yun mula sa loob para mabuksan.

Isang hapon, habang break pa namin sa klase, tumambay ako sa veranda. Di ko alam kung ano ang trip ko nun. Nag-away ata kami ni Super Ex kaya ganun na lang ang pagpapaka-emo ko.

After a few minutes, dumating na ang teacher namin. Isa sa mga kaklase ko ang nagsara ng pinto ng veranda. Nagsimula na mag-lecture ang guro. Hindi nila napansin na wala ako sa upuan ko. At kung meron man makakapansin, iisipin lang nila na nag-CR lang ako.

Ayoko naman kumatok at mag-eskandalo. Baka mapagalitan ako ng Principal.

Kaya ang ginawa ko, mula sa veranda sa 2nd floor, tinalon ko ito pababa. Matapang ako nun. Emo nga kasi, feeling ko, wala naman din kwenta na ang buhay ko dahil magkagalit nga kami ni Super Ex.

Paglagpak ko sa damuhan sa labas ng building namin, dumanak ang dugo.

itutuloy…

 Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Daniel Padilla ang Bamboo rocked ABS-CBN's Christmas Station ID

4:14 – 4:33.
At ang liwanag ng Pasko ay kwento ng katuparan
Ng pangako ng Diyos sa buong sanlibutan

Distinct ang boses ng dalawang singer na to. Nakikinig lang ako sa music video nila sa YouTube at hindi naman talaga nanunuod, pero nun marinig ko ang boses, napatingin at napa-replay ako.

I didn’t really expect that Daniel Padilla will have a part on the station ID. Sundan mo pa ng kakaibang soulful birit ni Bamboo e talagang panalo.

Bigating singers kasi kadalasan ang mga kumakanta dyan. Yung taga “wowuohoho” nga nila, Nyoy Volante na. Yung unang lines ng kanta, Angeline Quinto, Vina Morales, Marting Nievera, at Sarah Geronimo na. Dinagdagan pa ng Zsazsa.

daniel padilla on abs cbn xmas station id 2012

daniel padilla on abs cbn xmas station id 2012

Sundan mo pa ng Christian Bautista, Erik Santos, princess of rock Yeng Constantino, Jed Madela.

Billy Crawford, Aiza Seguera, Piolo Pascual, Richard Poon, and Sitti were also present. Andami nila at hindi ko na mami-mention lahat. As usual, star studded kasi naman talaga.

Kayo na lang ang humusga. Eto ang video:

 

Title: Kwento ng Pasko
Music by Marcus Davis Jr & Amber Davis.
Lyrics by Robert Labayen.
Directed by Paolo Ramos.