Financial Freedom Friday: Tell Me Who Your Friends Are…

coz you are like them!

Osmosis, yan ang nature ng isang bacteria na makuha ang traits and attributes ng mga katabi nito. This is also true pagdating sa mga higher beings kagaya ng tao.

Isipin mo ngayon ang situation mo. Yung mga friends mo ba, mga negosyante? Yung mga classmates mo ba, nangangarap maging empleyado? Ang pamilya ba ninyo, lahi ng mga pulitiko, doktor, at abogado?

Ganun naman kasi sa buhay ng tao. Kung ano ang nakikita mo at naririnig mo araw-araw, yan na rin ang paniniwalaan mo.

Kung sasabihin mo sa akin na, “yung kaibigan ko, sumali sa ganyang networking, hindi naman yumaman”, o kaya “may kakilala ako na hindi naman pumasa sa ganyan”, ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, hindi ka magtatagumpay.

Dahil puro negative vibes ang nakapaligid sa iyo.

Kailangan mo putulin ang mga relationships na hindi naman nakakapag-paunlad sa iyo. Kailangan mo iwasan ang mga tao na nag-iisip na hindi mo talaga kaya. Kailangan mong lumayo sa mga tao na nagpapabagal lang sa pag-unlad ng isang kagaya mo na gustong umangat.

Kung kailangan mong makipag-break sa jowa mo dahil wala siyang value para sa iyo, gawin mo! BREAK-AN MO NA!

Dahil hindi healthy ang stagnant na relationship. Hindi ka dapat nakukuntento kung ano ang meron ka. Hindi mo dapat pinababayaan na mapag-iwanan ka ng panahon at hindi makasabay sa pag-ahon.

Sa matalino ka makinig. Sa marunong ka bumarkada. Sa magaling ka makisama. Yan ang sikreto ng pagyaman.

Tigilan na ang drama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *