Daily Archives: 2012-10-24

Memory Miyerkules S2: Horror Movie ng Family

Summer break, elementary days.

Nanonood kami ng movie noon sa bahay sa Laguna. Tungkol yata yun sa maliit na leprechaun na mahilig sa gold. Nakadamit siya na parang Irish. Bansot ang leprechaun.

Kanya-kanyang pwesto ang family. Ako, dun sa isang sofa. Yung kapatid ko sa sahig. Si Kuya, nasa kabilang sofa. Ang mommy ko naman, pabalik-balik sa kusina sa pagtitimpla ng juice at pagluluto ng popcorn. Hindi siya nabubuhay sa panonood ng TV lang. Dapat parati siyang may ginagawa.

Ang Daddy naman, nakaupo sa paborito niyang reclining upuan. Yung natitiklop. Yung nabibili sa Divisoria na 800 pesos na pwede matawaran hanggang 450, depende pa yun sa kung marunong ka talaga tumawad.

Dahil marami namang popcorn, sige lang kami ng kain.

Ang hindi ko makakalimutan na nangyari nun e nun may medyo nakakatakot na scene. Hindi mo talaga inaasahan kung kelan lalabas yung leprechaun. Minsan naman, hindi talaga lumalabas. Pero talagang nakaka-suspense.

May isang scene na matagal nag-pan ang camera sa isang sulok ng kung anong lugar sa movie. Sabay biglang may sumigaw ng HOOOYY! na parang nanggugulat. Si Daddy yun. Sinabayan niya ng sigaw ang paglabas ng leprechaun. Nakakatakot talaga dahil malakas ang pagsigaw niya.

Promise kumabog talaga ang dibdib ko.

Ngayon, naisip ko tuloy kung napanuod na niya yung movie bago pa namin mapanuod. Saktong sakto e.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

*Salamat nga pala sa Radley’s Video Shop (sarado na siya ngayon) sa pagpapahiram sa amin ng mga Betamax at VHS noon sa halagang 20 – 25 pesos.