Daily Archives: 2012-10-26

Financial Freedom Friday: Saying NO!

Kasama sa pagtitipid ang skill ng pagsabi ng salitang NO.

Kapag nagpabili ng kendi ang kapatid mo, NO!

Kapag nagturo ang girlfriend mo na bumili ng one time use na sapatos, NO!

Kapag gusto mo manuod ng UAAP pero sa scalper galing ang tickets mo, NO!

Kapag gusto mo ng softdrinks pero walang Coke Sakto at solo na ang kasunod na variant, NO!

Kapag niyaya ka ng ex mo na lumabas pero alam mo naman na wala kang mapapala sa kanya, NO!

Kapag naimbitahan ka umattend ng isang event na hindi ka naman talaga interesado at wala din namang lootbag, NO!

Kapag nakakita ka ng magandang teddy bear sa sidewalk vendor pero wala ka namang pagbibigyan, NO!

++++++++++++

Yan ang pina-practice ko ngayon, ang pagsabi ng NO! So far, nakatipid ako ng halos 500 pesos last 2 weeks dahil sa ganyang ugali. Hindi ko pagsisisihan ang nawalang experience dahil may mas magaganda pa at mas affordable na mga lakad na naka line up.

Ang kasunod na offer sa iyo na mapapagastos ka lang, bigyan mo ng matinding NO!

Sabay NGITI. 🙂

Movie Review: The Apparition

50% off for SM Cinema’s e-PLUS cardholders.

Kung gusto mo ng nakakatakot na movie for this Halloween season, isa sa mga choices mo ang THE APPARITION. Starrting Ashley Greene, Sebastian Stan and Tom Felton.

The Apparition

The Apparition

At promise. SUPER SEXY si Ashley Greene. May part dun na naka-underwear lang siya at naka focus ako sa kagandahan ng body niya nang biglang… wag na, panuorin niyo na lang.

Hindi mo din naman kailangan intindihin ang story sa mga ganitong klase ng movie. Kahit hindi mo gets na ang concept nila na thoughts to things ay nare-replicate ng libo-libong ulit gamit ang isang high tech na equipment, matatakot ka pa rin.

Same technique lang din na ginagamit sa Feng Shui movie ni Kris Aquino. Dadaanin sa sound effects at landscape views na wala naman talagang lalabas.

Pero pag may lumabas na, mapapatili ka talaga. Dyahe lang tumili dahil macho ako at may katabi akong chiks.

Ok lang din ang acting ng mga artista. Relatively good.

Favorite part ko ng movie, yung gumagalaw na ang mga CCTV camera. Pano kaya pag ganun talaga sa totoong buhay. Susundan ka ng camera san ka man magpunta.

Exclusively shown on SM Cinemas. Salamat SM Cinema.