Financial Freedom Friday: Saying NO!

Kasama sa pagtitipid ang skill ng pagsabi ng salitang NO.

Kapag nagpabili ng kendi ang kapatid mo, NO!

Kapag nagturo ang girlfriend mo na bumili ng one time use na sapatos, NO!

Kapag gusto mo manuod ng UAAP pero sa scalper galing ang tickets mo, NO!

Kapag gusto mo ng softdrinks pero walang Coke Sakto at solo na ang kasunod na variant, NO!

Kapag niyaya ka ng ex mo na lumabas pero alam mo naman na wala kang mapapala sa kanya, NO!

Kapag naimbitahan ka umattend ng isang event na hindi ka naman talaga interesado at wala din namang lootbag, NO!

Kapag nakakita ka ng magandang teddy bear sa sidewalk vendor pero wala ka namang pagbibigyan, NO!

++++++++++++

Yan ang pina-practice ko ngayon, ang pagsabi ng NO! So far, nakatipid ako ng halos 500 pesos last 2 weeks dahil sa ganyang ugali. Hindi ko pagsisisihan ang nawalang experience dahil may mas magaganda pa at mas affordable na mga lakad na naka line up.

Ang kasunod na offer sa iyo na mapapagastos ka lang, bigyan mo ng matinding NO!

Sabay NGITI. 🙂

0 responses to “Financial Freedom Friday: Saying NO!

  1. Hahaha nako, kailangan kong mag-practice pa magsabi ng no sa sarili ko. Lalo na pag nasa mall ako. Dapat no no no no no! Haha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *