10 Reasons Bakit Hindi Inaamin Ng Magkarelasyon Na Sila Na

umamin na po si John Lloyd Cruz kahapon sa The Buzz na sila na ni Angelica Panganiban… bat kayo, ayaw pa ninyo umamin?

Yan ang Facebook status ko kanina. Pano ba naman kasi, marami pa rin akong kilala na mag-jowa na ayaw talaga aminin na sila na. May kanya-kanya silang dahilan. Kaya naman bibigyan ko ng pangalan ang mga reasons na ito at ng maiksing explanation na rin.

John Lloyd, umamin na sila na ni Angelica Panganiban sa The Buzz

John Lloyd, umamin na sila na ni Angelica Panganiban sa The Buzz

Hindi man napapanahon, ayos lang. Kasalanan to ni John Lloyd e.

Ito ang unang limang reasons. Mahirap kasi mag-isip ng sampu sa isang upuan. Bibitinin ko na rin kayo:

  1. Imelda At Macoy. Yan ang unang reason sa lahat. Yan din ang pinaka-korni at pinakagamit na gamit na reason. Strict daw kasi ang parents nila. Irrelevant ang age, gender, religion, at family background. Basta strict ang parents, hindi nila aaminin.
  2. Looks Are More Important. Eto yung sinasabi natin na pag panget, hindi worthy magkaron ng relationship. Sabi ng friend ko, pag panget daw sila, mas magandang i-sikreto na lang ang kanilang relasyon. Wala pa raw mauumay. Valid reason ba ito o hindi? Kayo na ang humusga.
  3. Keyboard Rule. Ito yung pag nasa same office/classroom kayo with your partner’s ex, para maiwasan ang awkward moments at katakut-takot na selosan at cold war, mas mabuti na hindi ninyo sasabihin muna na kayo na. Dahil sa keyboard lang nagkakatabi ang U at I na malayo sa mga X.
  4. Para Sa Client. Naaalala ba ninyo yung No Other Woman? Yung hindi sinusuot ni Derek Ramsey yung wedding ring niya pag may client? Ito ang nakakagagong reason pero for practical purposes, kailangan natin tanggapin. Kadalasan talaga, nakikipag-flirt ang ahente sa client niya para ma-close ang sale. Alam na alam yan ni KnP#3 Master Wong.
  5. Toys R Us. Eto naman, speaking from experience. Ayaw ng partner mo na ilagay sa FB relationship status niya na “in a relationship” kayo dahil pinaglalaruan ka lang niya. Pwedeng nambababae siya o di kaya naman e nakikipagrelasyon pa rin sa ex niya. At any rate, pinaglalaruan ka lang. Kaya ka lang pumapayag dahil bulag ka sa pag-ibig. Pwede ka magsalamin para mas makita mo pa ng maayos.

Salamat kay John Lloyd at Angelica para sa inspirasyon na maisulat ang blogpost na ito. Salamat din kay Tito Boy at Charlene Gonzales dahil sila ang makulit na nagtanong kay John Lloyd.

Yan ang unang limang reasons. To be continued na lang yung kalahati…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *