Memory Miyerkules S2: Cosplay

Hindi ko maalala kung anong trip ng Don Bosco School Sta.Mesa nun pre-school ako. Pinag-costume nila kami. Ngayon ko lang naisip na baka cosplay/halloween ang okasyon kaya yun ang pinagawa sa amin.

May mga nagbihis na batman, superman tsaka kung sinu-sinong may kapa. May mga butterfly fairies, naka-gown, pulis, at mga hindi ko maalala na costume. Wala akong matandaan na nag-zombie outfit o nag white lady.

Di ko sure kung pinagbawalan ng Parent-Teacher Assocation yung mga nakakatakot na costume.

Ako? Nagbihis BOYOYONG clown ako. Oo, Boyoyong, yung clown group kung saan dati kasali si Jose Manalo. Medyo palpak lang yung pagiging Boyoyong ko dahil wala naman akong malaking tiyan.

Tsaka yung sumbrero ko, matigas na patusok. Parang baliktad lang na apa ng ice cream.

Tapos puro bilog pa yung costume ng boyoyong. Parang New Year sa dami ng polka dots na pula. Hindi pa nakuntento ang nanay ko at nilagyan pa ng pulang bilog ang cheeks at nose ko.

At makapal na pulbo sa mukha.

Asan na ba yung picture ko na ganun?

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

0 responses to “Memory Miyerkules S2: Cosplay

  1. ahahah may naalala tuloy ako sa post mo… back to my old days..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *