Monthly Archives: October 2012

Memory Miyerkules S2: Horror Movie ng Family

Summer break, elementary days.

Nanonood kami ng movie noon sa bahay sa Laguna. Tungkol yata yun sa maliit na leprechaun na mahilig sa gold. Nakadamit siya na parang Irish. Bansot ang leprechaun.

Kanya-kanyang pwesto ang family. Ako, dun sa isang sofa. Yung kapatid ko sa sahig. Si Kuya, nasa kabilang sofa. Ang mommy ko naman, pabalik-balik sa kusina sa pagtitimpla ng juice at pagluluto ng popcorn. Hindi siya nabubuhay sa panonood ng TV lang. Dapat parati siyang may ginagawa.

Ang Daddy naman, nakaupo sa paborito niyang reclining upuan. Yung natitiklop. Yung nabibili sa Divisoria na 800 pesos na pwede matawaran hanggang 450, depende pa yun sa kung marunong ka talaga tumawad.

Dahil marami namang popcorn, sige lang kami ng kain.

Ang hindi ko makakalimutan na nangyari nun e nun may medyo nakakatakot na scene. Hindi mo talaga inaasahan kung kelan lalabas yung leprechaun. Minsan naman, hindi talaga lumalabas. Pero talagang nakaka-suspense.

May isang scene na matagal nag-pan ang camera sa isang sulok ng kung anong lugar sa movie. Sabay biglang may sumigaw ng HOOOYY! na parang nanggugulat. Si Daddy yun. Sinabayan niya ng sigaw ang paglabas ng leprechaun. Nakakatakot talaga dahil malakas ang pagsigaw niya.

Promise kumabog talaga ang dibdib ko.

Ngayon, naisip ko tuloy kung napanuod na niya yung movie bago pa namin mapanuod. Saktong sakto e.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

*Salamat nga pala sa Radley’s Video Shop (sarado na siya ngayon) sa pagpapahiram sa amin ng mga Betamax at VHS noon sa halagang 20 – 25 pesos.

PODCAST RELEASED: Parokya Ni Edgar Visited Boys Night Out Magic 899

October 16, 2012.

Last week nangyari yun. 2 years in the making daw.

20 minutes into the guesting, pinayagan na ng Magic Station Guy na mag-inuman sila sa loob ng booth. Alam naman natin kung ano ang mix ng alak sa Parokya ni Edgar di ba?

BNOxPNE

Boys Night Out guested Parokya Ni Edgar (photo from FB fan page of Magic)

Sobrang saya.

Yung 5 hours na streaming, hindi mo mapapansin na 5 hours. Parang bitin pa nga.

Pangalawang beses ko na siya pinakikinggan ngayon.

It is a good thing that Boys Night Out recorded the session. Para sa akin, pwede na tong ilagay sa CD at patugtugin pag nasa bus ka papunta ng Baler, Aurora for weekend surfing trips.

Eto ang link para sa Podcast: CLICK HERE.

Congrats nga pala Parokya Ni Edgar Inuman Sessions Volume 2. Very Successful.

5 Distinct Ways Artists Do When Smoking Mild Seven Option

CAV Wine Shop Cafe . Bonifacio High Street. Taguig City.

Artists, namely photographers, painters, singers, writers, actors, DJs, and creative input bloggers like me, (ehem) chose CAV Wine Shop Cafe in Bonifacio High Street as a venue to get together and feel the artistic vibe. With Mild Seven filling the air with visible spirits, any talk and banter would have an artistic feel to it.

At grabe, ramdam ko ang pagiging isang artist.

The event was highlighted by the unveiling of Gerardo Tan’s works. They are simple collages that makes the phrase “A Picture Paints A Thousand Words” not just a cliche. Imagine magazine cutouts and teared edges be transformed into abstract pictures that makes you reflect on relationships. That’s what it was for me.

Trivia : Gerardo Tan loves architecture. Fascinated by it.

Pictures to follow.

Obvious naman di ba? Pumasok ako sa mga pinto ng CAV bar na isang Filipino blogger; paglabas ko, I’d rather write in English to be more creative.

Balik na tayo sa Tagalog ha. Dun rin sa event na ito natutunan ko na ang isang yosi na normal ay may isang formula lang ng pagsmoke. Yan ay ang Sindi-Hitit-Buga (SHB). Lahat ng yosi, mapa-reds, lights, o menthol, yan  lang ang formula.

Mild Seven Option

Mild Seven Option (photo taken from http://act.tobaccochina.net/)

Boring di ba?

Kaya naman Mild Seven introduced its own version of a menthol capsulized cigarette. They call it Mild Seven Option. Ang malupit sa ganitong sigarilyo, meron siyang capsule na nasa gitna ng filter na pag pinutok mo, will turn your Mild Seven light to Mild Seven menthol. Ang lupit di ba? I saw one manong last night and gave him one stick, yun din ang nasabi niya, Lupit!

Meron nang dagdag sa ating formula na SHB. Meron nang variable na tatawagin nating Pop (P), na gugulo sa standard na ginagawa ng isang naninigarilyo. Coz there is BEAUTY in CHAOS.

Here are the 5 Distinct Ways Artists Do When Smoking Mild Seven Option. Alam ko susubukan mo rin to:

  1. Pop The Capsule before mo sindihan (PSHB) – use this if you want your sigarilyo to be Menthol right off the bat. Parang sa baseball, you swing on the first pitch dahil bibigyan ka ng STRIKE ng pitcher. Ayaw kasi nila patagalin ang laban.
  2. Pop The Capsule after the first bum (SPHB) – ito ang parati ko ginagamit. Mas nakakatawag kasi ito ng pansin. Biruin mo, yung yosi e paglalaruan mo matapos mo sindihan. It is always a conversation starter when you use this technique. Your yosi buddy will surely ask you out for his/her next yosi break.
  3. Pop The Capsule at the middle of the yosi break. (SHPHB) – You have 8 minutes in the average when you smoke. Timer namin to sa opisina dahil sa loob ng 15 minute break, isa lang mayo-yosi mo kung magsi-CR ka pa. Instead of consuming two different sticks, it always Feels Better when you know you smoked 2 different things in one break. May psychological effect to.
  4. Pop the Capsule before the last bum – This is what you do when you reward yourself after thinking about one problem for the whole 8 minutes of your yosi break. This is the “Bahala na si Dark Knight” gesture when you want a better start one you dispose of the cigarette butt. I find this very strange pero for sure it will work best. Never tried.

Ayan na ang 4 disctinct ways ninyo. Yung panlima. obvious naman siguro yun. Kung hindi mo gets, ibig sabihin, alam mo kung pano mag smoke ng Mild Seven Option. Para sa mga walang alam tungkol sa menthol capsule lang ang 5th way. Tawagin na lang natin na SHB ang panlimang paraan.

Thanks Ms Amor Maclang for the invite.

A Product of JT International Tobacco SDN BHC.
Imported by: JT International (Phils.) Inc. Taguig City, Philippines. Importer No. ETAD-T-333-20

Financial Freedom Friday: Tell Me Who Your Friends Are…

coz you are like them!

Osmosis, yan ang nature ng isang bacteria na makuha ang traits and attributes ng mga katabi nito. This is also true pagdating sa mga higher beings kagaya ng tao.

Isipin mo ngayon ang situation mo. Yung mga friends mo ba, mga negosyante? Yung mga classmates mo ba, nangangarap maging empleyado? Ang pamilya ba ninyo, lahi ng mga pulitiko, doktor, at abogado?

Ganun naman kasi sa buhay ng tao. Kung ano ang nakikita mo at naririnig mo araw-araw, yan na rin ang paniniwalaan mo.

Kung sasabihin mo sa akin na, “yung kaibigan ko, sumali sa ganyang networking, hindi naman yumaman”, o kaya “may kakilala ako na hindi naman pumasa sa ganyan”, ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, hindi ka magtatagumpay.

Dahil puro negative vibes ang nakapaligid sa iyo.

Kailangan mo putulin ang mga relationships na hindi naman nakakapag-paunlad sa iyo. Kailangan mo iwasan ang mga tao na nag-iisip na hindi mo talaga kaya. Kailangan mong lumayo sa mga tao na nagpapabagal lang sa pag-unlad ng isang kagaya mo na gustong umangat.

Kung kailangan mong makipag-break sa jowa mo dahil wala siyang value para sa iyo, gawin mo! BREAK-AN MO NA!

Dahil hindi healthy ang stagnant na relationship. Hindi ka dapat nakukuntento kung ano ang meron ka. Hindi mo dapat pinababayaan na mapag-iwanan ka ng panahon at hindi makasabay sa pag-ahon.

Sa matalino ka makinig. Sa marunong ka bumarkada. Sa magaling ka makisama. Yan ang sikreto ng pagyaman.

Tigilan na ang drama.