Monthly Archives: November 2012

6 Facts That You Should Know About GRACENOTE

Unang beses kong na-recognize ang Gracenote last Nescafe Fans Day sa MoA Music Hall. Actually, si Eunice Evangel Jorge lang ang nakita ko dun dahil nag guest siya sa 6cyclemind. Kasama kasi siyang kumanta sa revival ng song na Alapaap.

Magkakaroon sila ng launch ng kanilang album sa December 4, 8PM sa 70’s Bistro, Anonas QC. Gusto ko sila mapanood ng live. Iba kasi ang energy ng front man / vocalist / keyboard / violin na si Eunice.

At cute pa ang dimples niya na lumalabas kapag kumakanta siya.

Gracenote Album Launch

Gracenote Album Launch

Sila ang latest band na hina-handle ng Soupstar kung saan kasama nila ang Imago, Sandwich, 6cyclemind at Callalily. Relatively, mga bagito ang mga members ng band pero buo na ang kanilang tunog.

Nung una nga, masasabi mo na Paramore Wannabees lang sila pero nun nag-umpisa na sila maglabas ng sarili nilang kanta, mari-realize mo na may ibubuga talaga sila.

At uulitin ko, iba talaga ang energy na dala ni Eunice. Follow her on Twitter. @EuniceGracenote

Without further ado, eto na ang 6 Facts na nakalap ko sa pags-stalk sa kanila sa internet. Dapat alam mo tong mga to bago ka pumunta sa Album Launch nila sa 4th.

6 GRACENOTE Facts:

  1. GRACENOTE consists of @EuniceGracenote, @ChenGracenote, , @JazzGracenote, and EJ, all hailing from St. Scholastica’s College. Hindi regular member yung isa pa nilang gitarista pero sobrang galing nun. Alvin ata ang name nun.
  2. So far, dalawang kanta pa lang nila ang may Violin. Yun ang pagkakaalam ko ayon sa mga YouTube videos. Far Away at ang paborito ng lahat na Minsan Lang Naman. Dapat siguro magdagdag pa sila.
  3. Ang pangalan nun Violin ay Ara, short for Araneta. Nabasa ko lang to sa Tumblr ni Eunice. Apparently, nasira yung Violin at hindi ko na alam kung na-restore pa o napalitan. Pakitanong na lang sa kanya.
  4. Kuya Obet ang pangalan nung taga-abot ng Violin. Pangarap kong maging Kuya Obet someday.
  5. Violinist si Eunice sa BBS song na Wala Na Tayo feat Kean Cipriano. Kaya hindi nakakagulat ang galing niya.
  6. Para masiguro mo na Eunice yun, naka suspenders at Purple shoe laces siya parati.

OK, hindi ako sure sa mga facts na yan, so pwede natin masabi na theories sila. Di ko pa naman sila nai-interview talaga at YouTube videos lang ang basehan ko.

Siguro, pag nagkita-kita na lang sa album launch, dun na lang magkakaalaman.

What I LIKE and what I can SHARE this Xmas!

Like and Share

Yan ang pinakasikat na gawain sa pinaka-SIKAT at overused na Web site ngayon, ang Facebook. Bigyan muna natin ng definition ang dalawang salitang yan bago tayo umabante sa dapat kong sinusulat ngayon.

Dagdag effort lang para sa assignment. Para makakuha ng A-plus.

2011 Christmas

2011 Christmas

LIKE

Yan yung pagsang-ayon mo sa kung ano man sinabi ng kaibigan mo sa status niya. Sa bawat pindot mo ng like, binibigay mo ng AMEN ang mensahe. Naintindihan mo kung ano ang message at naka-relate ka.

Wag ka magla-LIKE kung hindi mo gets.

SHARE

Ito naman yung gusto mong ipakita sa mga friends mo kung ano man ang nakita mo. Hindi ito pag-agree. Ito lang ay parang chismis na ipapasa mo. Pwede mo dagdagan ng captions ang chismis pero hindi mo pwede bawasan. Sanay na sanay tayong mga Pilipino sa ganyan.

Hindi ibig sabihin na nag-SHARE ka e sang-ayon ka na. Naghahanap ka lang din ng opinyon ng iba.

So ngayon, ano ba ang LIKE at ano ang pwede ko i-SHARE ngayong Christmas? Malapit na ang Pasko. Ito na siguro ang magiging WISHLIST ko.

LIKES:

  1. Cherry Flare. Para naman magka-Android na ako!
  2. Suede shoes. Tagal ko nang walang bagong sapatos. Laspag na mga sapatos ko dahil sa walang katapusan na baha sa Manila.
  3. New pants. Pandagdag lang.

SHARES:

  1. My pictures. Actually, ang pagiging enthusiastic ko sa mga litrato pag may event. Pag personal event, di ko na lalagyan ng watermark para pwede kunin ng mga friends. Pero pag medyo invited, lalagyan ko ng watermark para may ID.
  2. Time and Talent. Hindi ako masyadong talentado. Pagsusulat lang at pagsasalita ang alam ko gawin. Pero ishi-share ko na rin ito para sa may kailangan.
  3. Gifts. Naku! Kung pwede lang, lahat ng friends ko, bibigyan ko ng regalo. Kahit maliit lang na tampipi.

 Ito ang assignment na binigay sa akin ng FBH. Magkakaron kami ng party this weekend at baka yung mga likes ko e ibigay ng sponsors. Hehehe.

Salamat nga pala sa taong 2012. Naging napaka-productive ko! LIKE!

Filipino Bloggers Hub Xmas Party is sponsored by The Cocoon Boutique Hotel, San Marino, King Sue, Bo’s Coffee, iFlick, Cadbury, Pinoy Master Grill, Cebu Boy Lechon, Leslies, Tea 101, Oh My Nails, San Miguel Brewery, Leonne Philippines and Baja Mexican Cantina.

Hinarang Ako Ng Apat

*Kinukwento ko to kanina lang sa officemate ko.

Lapitin talaga ako ng disgrasya pag malapit na ang Pasko. Malas talaga.

Kailangan ko kasi umalis ng maaga sa Pansol, Laguna. Seven o’clock ng umaga ang pasok ko at ganoong oras lang din magsisigising ang mga kasama ko. Kapag inantay ko sila, siguradong late ako ng at least dalawang oras.

Sayang ang bawas sa stats at kaltas sa sweldo.

Nasa dulo ng kalsada ang resort namin. Kailangan maglakad ng halos 200 meters papunta sa main road at lakbayin yun para sa highway. May mga bus na dumadaan sa highway na diretso sa Cubao kaya 2 rides lang susumahin e nasa opisina na ako.

Madilim ang kalsada na yun. May mga videoke sa loob ng mga resort at may mga kumakanta rin naman pero hindi mo maaaninag kung sino dahil sa taas ng bakod at mangilan-ngilan na mga puno. Mas nag-focus na lang ako sa paghakbang sa bakubakong kalsada na parang nasa moon dahil sa craters. Ayokong madulas. Kakabanlaw ko lang sa pool.

At marami din akong dalang gamit.

Matapos ang ilang minuto na paglalakad, nakita ko rin ang kanto ng main road. Sa wakas! Tanggal na rin ang kaba ko. Ilang hakbang na lang ito.

Pero laking gulat ko nang may sumalubong sa akin sa bandang kanan. Apat sila. Nanlilisik ang mga mata ng isa. Yung isa naman ay malaki at makapal ang buhok. May dalawang maliliit na kasunod sila.

Nang makita ako nung may nakakatakot na pulang mata. Tumakbo siya papalapit sa akin. Inilabas niya ang matalim na bagay na nakakabit sa kanyang katawan. Kitang kita ko kung gaano katulis ang mga yun.

Wala na akong nagawa kundi ang mapahinto. Naihagis ko yung hawak ko na hotdog sandwich papunta sa kanila na siya namang kinain nung malaki mula sa sahig. Patuloy pa rin sa paglapit yun isa kasunod ang dalawa pa nilang mga kasama.

Napaupo na lang ako sa takot.

Huminto ang lider nila mga anim na hakbang mula sa akin. Lumapit naman ang dalawang alalay at inamoy amoy ako. Tinitignan nila kung meron pa akong hotdog sandwich.

Wala na, naihagis ko na.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad habang sinisigawan pa rin ako ng lider nila. Takot pa rin ako na lumilingon habang hinahabol nila ako ng tahol.

Aw-aw-aw!

Look Who Conquered a 3-Feet LONG Kebab at BAGA Manila

BAGA Manila First Anniversary November 16, 2012 .

Nakakasawa din kasi kumain ng mga sosyal na pagkain lalo na kapag taga-Makati ka. Puro na lang fast food at mga restaurant na high end. Kadalasan, pizza at pasta na lang tapos may garlic bread sa gilid. Minsan naman, fried chicken mga pagkain na hindi naman talaga maka-Pinoy.

Kung naghahanap ka ng barbecue party na may kasamang musika sa gitna ng Makati kapag weekend, subukan mo magpunta ng A.Venue Open Parking Lot. Andun ang Barbecuers And Grillers Association or BAGA para maghain ng iba’t ibang klase ng inihaw na kung anu-ano.

Bukas ang BAGA Manila from 2pm every Friday hanggang Saturday. Bago kayo pumarty, mas ok na dito na kayo mag dinner.

O pwede din naman na after party, pag nagutom ka, diretso ka na sa BAGA Manila.

Eto ang mga tumatak sa akin:

May mga iba pang pagkain pero hindi ko na lubusang natikman. May lugaw, liston, mga kebab, pork barbecue, chicken barbecue, may hipon, MedChef for dessert, tsaka mga lutong bahay.

Syempre kanin. Maraming kanin.

The usual palamig, cupcakes, malalaking crabs, hipon, at hindi ko na maalala lahat. Click na lang ninyo ITO para sa pictures.

Ang pinaka-naging experience ko e yung kumain kami ng 3-Feet Long na Kebab. Nagkaroon kasi ng contest at sumali kami ng fashion blogger na sina Ann Ville Purificacion at Resly George Amador. Malalakas din sila kumain kaya nanalo kami. Eto ang aming WINNING POSE:

Kebab Destroyers

Maraming salamat sa organizers ng BAGA Manila! Babalik kami!

Eto nga pala ang video ng event care of GMA-7: