> Naaalala pa ba ninyo noong Grade School, may award pagtapos ng taon ang Best in Attendance.
> Naaalala pa ba ninyo noong High School, pinararangalan ang Most Punctual.
Sa college, alam ba ninyo na pwede kang ibagsak ng professor mo automatically kapag nag over the limit ka sa number of lates/absences. May score sheet pa yan. Ang formula, number of school days in a week times 2.5 . Di ko na maalala basta ganun.
Importante kasi ang attendance. Sa bawat minuto na wala ka sa trabaho, wala kang nasisimulan, therefore wala kang matatapos. Sa work ko ngayon, pag late ako ng 8 minutes, Php 14.56 ang bawas sa sweldo ko.
Dahil para sa mga successful na tao, wala naman sikreto kundi ang pagiging present.
Present means paranting andyan. Uulitin ko, Parati. Always.
Hindi most of the time.
Epping ALWAYS.
Sabi nga ni Day9 ng online gaming community, all you need to do to be successful is show up. Be seen. Regardless of kung may nanunuod ng YouTube videos niya, naglalabas siya ng Daily.
Regardless of kung may nagbabasa ng blog ko, magsusulat ako.