May kapatid ba kayo na mas bata sa inyo? Hindi naman sobrang kulit, pero yung sobrang curious sa composition ng mga bagay at sa detalye ng mga gamit? Ganyan kasi yung mas bata kong kapatid.
Pero mas malaki siya sakin. Promise. Mas mabigat pa.
Mukha nga akong bunso sa pamilya e.
Isang araw ng bakasyon, ako ay grade 1 ata noon at siya naman ay 4 years old, naglalaro ako ng LEGO at gumagawa ako ng robot. Idol ko kasi noon ang Maskman at Bioman. May mga robot sila na malalaki at gusto ko rin ng ganoon.
Pero dahil mga 1 foot tall lang din ang dinosaur ko na laruan, kasinlaki lang din ng kalaban dapat ang robot ko. May standard size kasi ang mga ganyan. Ayon sa napapanuod ko, hindi pwedeng mas malaki ang kalaban kesa sa bida. Hindi rin pwede na overpowering naman ang bida kumpara sa mga pinapalaki ni Oke-Rampa na mga halimaw. Dapat sakto lang.
Sabi kasi yun ng Toei.
So ayan na, mabubuo ko na ang robot ko. Marami rin kulay ang robot kagaya ng napapanood ko noon sa ABC-5 or IBC 13. Hindi ko na sure kung anong channel. Ahahaha.
Ang kaso, umalis lang ako sandali para umihi sa CR. Hobby ng bawat tao na umihi sa CR. Hobby ng bawat bata na umihi sa salawal, kaya hanggang ngayon e mataas pa rin ang sales ng mga diapers.
Sabay naman sa pagsalisi ng aking nakababatang kapatid na ang pangalan ay Choy. Yun ang nickname niya dahil hindi siya payat sa majority ng buhay niya. Lately na lang siya nagpaka-slim.
Sinimulan niya ang wrecking squad. Di ko alam kung dahil yun sa mga kulay na ayaw niyang nakikita na magkadikit o feeling lang niya e pagkain ang LEGO at alam niya na hindi kasya sa bibig niya ang 1 foot tall na robot.
Basta pagbalik ko, back to start ako sa pagbuo ng robot, kasabay ng tugtog ng opening theme ng Maskman.
Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking