Alam mo ba yung extra effort? Extra lang naman, hindi naman kailangan na sobra.
Halos 200 pesos din ang gastos ko sa isang araw. 70 pesos ang pamasahe papunta at pauwi. May average na 70 pesos din para sa lunch at minsan ay meryenda na 60 pesos.
Kung susumahin mo, bago pa ko kumita ng pera sa kinsenas at katapusan, kailangan ko muna gumastos ng pang-araw-araw ko. Hindi ka talaga uusad pag wala kang effort.
E para saan naman tong sinasabi ko na extra effort?
Simple lang mga tol. Ngayon kasi, marami kami masyadong trabaho at pwede naman mag overtime. Kaya ako, nago-overtime ako para yung pinangaraw-araw ko na budget na 200 pesos, kitain ko kaagad.
Para yung basic pay na sweldo ko na makukuha sa kinsenas, buo kong maba-budget. Yung overtime pay ang gagamitin ko a pangaraw-araw. Bakit naman hindi di ba?
Unlike the others, pantay lang din kasi ang sweldo ko. Wala akong night differential at hazard pay. Overtime lang ang pambawi ko para pumantay ang sweldo ko sa kanila.
Extra effort lang yun mga tol. Extra 2 hours na trabaho, ok na yun.