Parang tumakbo ka lang din ng 21k na pumi-PR ka. Ganun katagal ang screening time ng Breaking Dawn part 2. Pero there was never a dull moment.
All the time kasi, alam ko na na magkakaroon ng malaking bakbakan sa dulo. Bakbakan na sa DOTA tournaments ko lang nakikita.
Skills at Ultimate, yan ang kaabang-abang sa movie na ito. Gone are the days na kabaklaan maituturing ang Twilight Movie. Kahit na naghubad ng TShirt si Jacob, at hot ang bed scene ni Bella at Edward, nasa umpisa lang naman yun ng movie at hindi nakaapekto ng malaki sa bakbakan na nangyari sa huli.
Kung tulog ka sa pansitan sa nakalipas na kalahating dekada at hindi mo napanood ang unang tatlong movies sa Twilight Saga, medyo malilito ka pagdating sa mga jargons na bibitawan ng mga characters, pero maiintindihan mo pa rin naman ang story altogether. Wag kang mag-alala, marami naman ang nakanood nung unang tatlong movie, tumabi ka na lang sa strangers at magtanong kung kinakailangan.
Date movie? Hindi ata. Pang-barkada ang movie na ito. Kung gusto mo ng Date Movie, manood ka ng horror. Kahit na puro vampires sa movie na ito, hindi naman siya nakakatakot.
Advanced Screening
Nanood ako ng Breaking Dawn part 2 sa Advanced Screening schedule ng Seagulls Flight Foundation. Syempre, mas mahal ang tickets kumpara sa regular screening pero worth it naman siya dahil much awaited movie ito ng taon. May karapatan akong magbigay ng spoilers na kaiinisan ng mga manonood sa weekend.
Well, hindi naman talaga spoilers yun dahil nakasulat na ang lahat sa libro.
Mas kaunti ang kabadingan kapag advanced screening. Wala yung mga tumitili na mga bakla kapag nagtanggal ng damit si Jacob. Wala din yung mga skwater na nagku-kwento habang tumatakbo ang pelikula. Hindi rin siksikan ang sinehan dahil sa Centerstage ng MoA kami nanuod na may capacity na higit sa 1000 people.
Medyo maluwag pa nga e.

Mommy Bella protecting her daughter Renesmee
The Battle Scene.
May awards sa best fight scene di ba? Sure ako, mano-nominate ang laban na to. Andaming pugutan ng ulo at isa sa mga main characters ang napitas kaagad sa unang pasok pa lang ng laban.
Promise, para talaga akong nanunuod ng Mineski battle sa DOTA. Magagaling ang mga support, hitter, tank, at malalakas ang skills. Makikita mo ang ECHOSLAM ni Raigor na gagamitin sa movie na to.
Tapos, maraming Lycantrophe. Yung isa nga, na-kill ng vampire e. Tapos, yung isa, nahulog sa butas.
Bawat kalaban na napapatay, nagpapalakpakan ang mga tao. Natutuwa nga ako dahil may audience participation ang movie.
Pakaka-abangan talaga ang battle scene, grabe.