Memory Miyerkules S2: Kape at Tinapay

Isang mabilis lang.

Alam ba ninyo yung kasabihan na “Walang matigas na Tinapay sa Mainit na Kape”? Totoo yun! Napatunayan ko nung bata ako.

Pero hindi naman ako mahilig sa kape talaga. Kahit ngayon, hindi ako fan ng mga starbucks, coffee bean, at seattle’s best. Kung kape lang din, magtitimpla na lang ako ng NESCAFE sa bahay. Mura pa! May 3-in-1 pa, kaya hindi mo na kailangan mag-ala chemist sa pagtitimpla.

Marie Biscuit

Marie Biscuit

Gusto ko sa kape, yung maraming coffeemate.

Anyway, balik tayo sa Tinapay.

Noong buhay pa ang lola ko, parati siyang may stock ng Marie Biscuit sa bahay. Yun ang favorite niya dahil malambot lang yun. Malutong pero malambot sa bibig pag nabasa na ng laway.

Ang technique sa pagkain mo ng Marie Biscuit, ibababad mo muna siya sa kape para mabasa at kumapit na ang lasa bago mo kunin gamit ang kutsarita na panghalo. Sabay shoot sa bibig.

Walang panama ang Pan de Sal na kaninang umaga niyo pa binili at matigas na sa tanghali.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *