Nabalitaan ko lang sa Twitter. Wala naman talaga ako doon kaya nakiki-showbiz lang ako.
Pagkauwing pagkauwi ko galing sa A.Venue Makati para sa first anniversary celebration ng BAGA, nakita ko tatay ko na naglalaro ng Solitaire sa kwarto niya habang nakabukas ang TV. Kay Julius Babao ko unang nabalitaan na na-cut short ang 25th Anniversary Concert ni Regine sa MOA Arena dahil nawalan daw ito ng boses.

Regine Velasquez (picture from her Wikipedia page)
Viral infection daw. Kung totoo man yun, matapang si Regine na sumugod pa rin sa concert kahit na may risks involved. Ang tawag dyan, PROFESSIONALISM. Ako nga, pag naramdaman ko na magkakasakit ako, hindi na ako pumapasok. Ang tawag dun, katamaran.
Kaya naman naisipan kong makibalita sa Twitter. Dun pinakamabilis ang balita. Naisipan ko na rin magsulat ng blog dahil trip ko sana talaga manood ng concert na yun, wala lang akong ka-date.
Follow mo na rin ako @pepideleon.
At baka nagpapapansin lang din ako kaya itutuloy ko ang pagsusulat sa blogpost na ito at nag-aabang ako ng haters. Pipilitin kong hindi makasakit ng tao. Promise.
Eto na ang TOP 5 Reasons. Ready na ba kayo? Ready ka na ba Ms Regine Alcasid?
5. MOMMY NA KASI SI REGINE. Oo, mommy na siya. Pinanganak last year. C-Section daw, kaya sure ako na may turok na siya ng anaesthesia. Hindi ko alam kung factor ang pagdagdag ng kanyang responsibilities as a mother, pero kung sumigaw man siya sa panganganak, nabawasan ang boses niya. Ang name ng anak nila ni Ogie, Nathaniel James.
@guchibelle: #SilverConcert I guess Ms.regine was overworked,that’s why she caught virus very easily. a woman’s body has to rest after giving birth…
4. IT COMES WITH AGE. Daddy ko nagsabi nun. Madalas na rin kasi nawawalan ng boses ang daddy ko kaya alam niya. Di naman siya singer. Dapat siguro mas maging maingat pa si Ate Regine. Wag masyado sa malalamig na inumin at pag-stay ng late kapag Friday night sa panunuod ng Bubble Gang. May replay naman yan sa internet e.
3. KASALANAN NI VICE GANDA. Naaalala ba ninyo yung concert ni Regine dati na nag-guest si Vice Ganda? Laugh trip yun. Tinuruan ni Vice ng kung anu-anong techniques si Regine na nakakatawa. Wala lang talaga akong masulat kaya ito ang naisipan kong gawin na number 3. Pasensya na po sa readers. Kung hindi ka maka-relate, hanapin mo sa YouTube yung replay nun concert segment na yun. Go!
2. PAGAALAY NG ITLOG. As per Sarah Geronimo (parody Twitter account), nag-alay na raw sila ng itlog sa altar. Hindi ko alam kung ano ang konek pero maniniwala na rin ako. Gaya ng number 3, wala akong maisip na matinong reason, kaya eto na lang.
@PopStarSarahG :Naglagay na kami ni Mommy Divine ng itlog sa altar para ipagdasal ang mabilisang pag-galing ni ate Regine.
1. DAHIL SA CLIMATE CHANGE. Virus daw yun nakuha ni Regine. Sana hindi kasinlala nun nakuha ni KZ Tandingan nun High School pa siya which caused the XFactor champion to use another genre to continue singing. Sana gumaling si Regine at hindi makaapekto sa pagbirit niya. Asia’s Song Bird pa naman.
Para makabawi sa fans, nag-promise si Regine na magbibigay ng FREE CONCERT sa lahat ng Ticket Holders sa SilverConcert niya. Again, that’s PROFESSIONALISM.
@superstarmarian Buti pa si ate regine mag lilibreng conshert dahil walang boses. E ung mga artistang walang talent ala namang libreng mubi.
Yan na muna ang latest chismis ngayon. Para sa akin, KAPWA KAMPEON ka pa rin Ate Regine. Manunuod kami ng susunod na concert mo. Isasama ko ang next girlfriend ko. Promise!