Yan ang pinakasikat na gawain sa pinaka-SIKAT at overused na Web site ngayon, ang Facebook. Bigyan muna natin ng definition ang dalawang salitang yan bago tayo umabante sa dapat kong sinusulat ngayon.
Dagdag effort lang para sa assignment. Para makakuha ng A-plus.
Yan yung pagsang-ayon mo sa kung ano man sinabi ng kaibigan mo sa status niya. Sa bawat pindot mo ng like, binibigay mo ng AMEN ang mensahe. Naintindihan mo kung ano ang message at naka-relate ka.
Wag ka magla-LIKE kung hindi mo gets.
Lurasidone (Latuda) over the counter SHARE
Ito naman yung gusto mong ipakita sa mga friends mo kung ano man ang nakita mo. Hindi ito pag-agree. Ito lang ay parang chismis na ipapasa mo. Pwede mo dagdagan ng captions ang chismis pero hindi mo pwede bawasan. Sanay na sanay tayong mga Pilipino sa ganyan.
Hindi ibig sabihin na nag-SHARE ka e sang-ayon ka na. Naghahanap ka lang din ng opinyon ng iba.
So ngayon, ano ba ang LIKE at ano ang pwede ko i-SHARE ngayong Christmas? Malapit na ang Pasko. Ito na siguro ang magiging WISHLIST ko.
LIKES:
- Cherry Flare. Para naman magka-Android na ako!
- Suede shoes. Tagal ko nang walang bagong sapatos. Laspag na mga sapatos ko dahil sa walang katapusan na baha sa Manila.
- New pants. Pandagdag lang.
SHARES:
- My pictures. Actually, ang pagiging enthusiastic ko sa mga litrato pag may event. Pag personal event, di ko na lalagyan ng watermark para pwede kunin ng mga friends. Pero pag medyo invited, lalagyan ko ng watermark para may ID.
- Time and Talent. Hindi ako masyadong talentado. Pagsusulat lang at pagsasalita ang alam ko gawin. Pero ishi-share ko na rin ito para sa may kailangan.
- Gifts. Naku! Kung pwede lang, lahat ng friends ko, bibigyan ko ng regalo. Kahit maliit lang na tampipi.
Ito ang assignment na binigay sa akin ng FBH. Magkakaron kami ng party this weekend at baka yung mga likes ko e ibigay ng sponsors. Hehehe.
Salamat nga pala sa taong 2012. Naging napaka-productive ko! LIKE!
Filipino Bloggers Hub Xmas Party is sponsored by The Cocoon Boutique Hotel, San Marino, King Sue, Bo’s Coffee, iFlick, Cadbury, Pinoy Master Grill, Cebu Boy Lechon, Leslies, Tea 101, Oh My Nails, San Miguel Brewery, Leonne Philippines and Baja Mexican Cantina.