Monthly Archives: December 2012

Cafe Lupe at Luneta Park

Luneta / Rizal Park, ibang-iba na.

Kilala na ang Cafe Lupe sa Antipolo, at nage-expand sila sa iba’t ibang vantage points sa Manila para ibigay ang kaparehong serbisyo at husay na pinakita nila sa Antipolo Rocks.

Cafe Lupe at the Park

Cafe Lupe at the Park

Yung dating museum na katapat ng observatory sa Luneta, nakuha ng Cafe Lupe for this Christmas season para mag-offer ng Asia Brewery products kasabay ng isang videoke machine. Yung location, mataas siyang maituturing na pwede kang manood ng dancing fountain.

At malapit pa sa CR. Astig di ba?

Dun kami nag christmas party ng aking travel blogging group na The Road Trippers. Yung mga travels namin ang nakapagtighten ng aming friendship.

Ako at si Rockstamama

Ako at si Rockstamama

ang kampeon at si juanderfulpinoy

ang kampeon at si juanderfulpinoy

After kumain at kumanta ng konti, naglaro pa kami ng Pinoy Henyo. Sayang nga lang at hindi ako nanalo ng grand prize. May pantaxi sana ako pauwi.

Sobrang saya nun experience namin sa Cafe Lupe.

Ready si sir Bong to take pictures!

Ready si sir Bong to take pictures!

Ms Jinkee from The Road Trippers and Sir Al of Cafe Lupe - Luneta

Ms Jinkee from The Road Trippers and Sir Al of Cafe Lupe – Luneta

Comment ko lang, dahil hindi pwedeng manigarilyo sa Luneta Park, hindi rin pwedeng manigarilyo dun sa Cafe Lupe. Sana magawan nila ng paraan na maging smoking area ng Luneta Park yun para may mapupuntahan ang mga hitit-buga na kagaya ko.

Kagabi nga, sinadya talaga namin ang lugar para sumilip lang dahil nasa Luneta na rin kami ng ka-date ko. Ang kaso, masyadong gabi na yun at medyo hindi nakikisama ang panahon kaya di na rin kami nagtagal. Bumili na lang kami ng pampasalubong.

 Ito pa ang ibang pictures ko:

Simbang Gabi sa Luneta. Magaling yung pari na nagmisa!

Simbang Gabi sa Luneta. Magaling yung pari na nagmisa!

May perya sa Grandstand

May perya sa Grandstand

May Libreng Concert sa Luneta until January 6, 2012

May Libreng Concert sa Luneta until January 6, 2012

Next time na hindi masyadong maulan at nasa Luneta ako, tatambay ako sa Cafe Lupe – Luneta para umorder ng masarap na P20 barbeque.

Book Review: Bakit Hindi Ka Crush ng CRUSH MO?

at iba pang technique kung paano makaka-move on sa wasak na Puso
by Ramon Bautista (yung POGI)

Una sa lahat, salamat kay Janille Policarpio. Sa kanya nanggaling yung libro na binasa ko. Paki-like ang FB picture niya na sa link na to: CLICK HERE.

The Cover and its Pages.

Unahin na natin ito, marami kasing nagja-judge ng book because of its cover.

Nakakatuwa yung libro. Iba pala mag-publish ng libro ang PSICOM. Yung ibang libro kasi, kumakapal siya pag nabasa mo na. Siguro dahil sa lumuluwang yung pages dahil sa pag-turn mo ng mga ito.

Bakit Hindi Ka Crush ng CRUSH MO?

Bakit Hindi Ka Crush ng CRUSH MO?

Ang kinagandahan ng libro, bukod sa mala-classic na picture ni Papi Ramon Bautista, maganda ang pagkaka-bind na nanananatiling manipis ang libro. Hindi tuloy siya mahirap bitbitin. Mukha pang parating bago.

Sa presyo nito na P160 pesos, sulit na sulit na! Mas ok pa siguro kung mapapapirmahan mo kay Papi Dragon ang kopya mo.

Madali rin basahin. Q&A type na copy paste mula sa Formsping.Me accout ni Ramon Bautista tapos may mangilan-ngilang pictures mula sa instagram niya. Parang kang may kaharap na laptop sa presyo ng isang Jollibee Champ meal.

Favorite Line.

Napapanahon ang linyang ito sa kakatapos lang na discussion tungkol sa RH Bill.

Tanggapin na natin ang katotohanan na mas marami sa inyo ang nagse-sex at magse-sex kayo kahit bago pa kayo ikasal. Dala ito ng pwersang tinatawag na KALIBUGAN, na minsan ay nagbabalat-kayo bilang “Pag-ibig”.

May ilan pa akong paborito pero tinatamad akong hanapin at i-type. Obvious naman din kasi yung magagandang lines sa book dahil ginagawa niyang caption yun sa mga instagram pictures niya.

Pero dahil nakopya ko na ito sa FB Status ko, ire-relay ko na lang ulit:

Pag may dahilan na hini nao-overcome ng “okay lang yan, mahal ko naman siya e” break na agad yun.

Target Audience.

Pang College level ang libro. Naka-relate naman ako dahil tumungtong din ako ng College, pero kung sobrang tanda mo na, yung parang may anak ka na na nasa College, parang hindi ko masabi na para sa iyo ang libro. Pangkabataan kasi ito.

Tungkol sa pag-ibig, bagsak na subjects, moving on, mga problemang pangkabataan. Buti na lang hindi pa ako tumatanda. Favorite book mo siguro ito kung ikaw si Peter Pan.

At oo nga pala, hindi para sa mga may ubo/sipon ang librong ito. Lalo na sa kagaya ko na inaatake ng sore throat at hirap tumawa ng Hahahaha. Sumasakit ang lalamunan ko at napapaubo ako kapag tatawa ako. Sa dami ng pagkakataon ko na tumawa, nasasaktan lang ako. Badtrip ka Monra!

Sino Si Ramon Bautista (yung pogi)

Sino Si Ramon Bautista (yung pogi)

Magandang pang-exchange gift itong libro. Buti na lang at nakakuha ako ng kopya! Sana dala ko ito nung nagkita kami ni Papi Ramon Bautista ng album launch ng Gracenote para nakapagpa-autograph ako!

May bonus track nga pala yung libro; lyrics ng kanta ni Lil Coli na “Sino Si Ramon Bautista (Yung Pogi)”. Astig

 

Movie Review: The Hobbit

Hindi niyo na mapapanood sa sinehan ito dahil simula bukas, puro MMFF films na ang ipapalabas sa mga sinehan. Gayunpaman, gusto ko pa rin muna bigyang daan ang  review ng movie na to.

Isa pa, in love na ata ako dun sa naka-date ko nung nanood kami kahapon sa Glorietta.

The Hobbit

The Hobbit

The PLOT.

Well, they started to walk, and then it became a Hobbit.

Joke yun! Dapat tumawa ka! Well, yun lang naman talaga ang movie. Kailangan nila pumunta dun sa lungga ng dragon para maghiganti. Yun ang trip ng mga dwarf e. Sinamahan lang sila ni Gandalf dahil trip niya maki-joy ride, at sinama lang din nila si Bilbo Baggins para mayroong magku-kwento ng quest.

Tsaka, hindi kasi pansinin ang mga Hobbit kaya meron silang “burglar”

Ganun din ang naging experience ko matapos ang movie. Halos di rin namin matunton yung bahay na pupuntahan namin. Nag-enjoy rin naman ako dahil hindi naman ang destination ang gusto ko kundi yung journey. Masaya ako at nakasama kita.

BEST PART OF THE MOVIE

Kung ang iba, gusto ang battle scenes, ako naman, mas naging trip ko yung encounter ni Bilbo kay Golum. Yung nagpapalitan sila ng riddles.

Para sa akin, masaya makinig ng poetry. Ang kaso lang, mahina ako sa riddles. Nasi-stuck ako sa pakikinig at nakakalimutan ko na kailangan pala hulaan yung pinapahula.

Buti na lang yung kasama ko, mahilig sa mga ganun. May sagot siya sa bawat riddle at kalahati nun ay nasagot niya ng tama. Ewan ko lang ha, pero ngayon lang ako nakakilala ng ganun na tao. At katabi ko pa siya.

*******

Ang ayoko lang sa naging experience, well hindi naman sa ayaw ko dahil na-enjoy naman namin, e yung nagkukwentuhan sa kaliwa’t kanan na sinasabayan ng naghihilik na manong sa harap.

Sa tagal ng movie, halos lahat pa ng part ng movie ay may tumatayo para mag CR. Parang mga langgam lang.

Overall, masaya ang movie. Boring kung hindi mo gusto pakinggan yung kwento sa simula pero sulit naman pag sword scenes na.

Yung Cinematics at ganda pa ng mga bundok, gubat, green scenery, lahat yun talagang maganda sa paningin. Parang yung kasama ko lang, maganda sa paningin.

Simbang Gabi 2012 Update – Final Four

sorry ha. ngayon ko lang maipo-post.

By Definition, SIMBANG GABI is used if the mass is held in the evening. MISA DE GALLO is used if the mass is held at dawn.

Happy naman ako ang nakumpleto ko ang simbang gabi series for 2012. Minsan, simbang gabi, minsan naman, misa de gallo. Pero conscious ako kung anong araw na sa series.

Also, i have to confess na may mga times na late ako sa misa. Hindi ko rin kasi inaalam ang schedule beforehand. Hinuhulaan ko lang din. Usually, Papuri Sa Diyos or Homily na pag ako ay dumarating, pero I consider the effort din. Mabait ang Diyos ko.

Day 5 St Francis Shaw Blvd

Day 5 St Francis Shaw Blvd 7:30pm

Ito ang pinakamagandang Simbang Gabi experience ko sa series. Kahit medyo late ako, (Homily) hindi pa puno ang simbahan. Siguro dahil may mga taong mas gusto umattend ng misa sa Megamall (8pm) kesa sa St. Francis Shaw Blvd na 7:30pm. Malawak ang simbahan, magaling ang pari, maganda ang aesthetics at yung sound system. Wala pang masyadong simbang tabi, simbang gababes, at simbang gaboys.

Greenbelt Chapel

Greenbelt Chapel

Greenbelt Chapel, 8pm. Ito naman ang isa sa mga pinaka-gusto kong simbahan. Nasa gitna talaga siya ng mall. Medyo masikip dahil inuna nila ang itsura ng simbahan kesa sa comfortability ng lugar. Mabuti na lang at nakapwesto ako ng maayos.

Magaling yung pari. Naka-anim na short stories ata siya sa Homily.

Rizal Park

Rizal Park

Rizal Park, 8:30pm. May airing ng misa sa PTV4 kinabukasan ng 4am. Hindi naman ako binigo ng pari dahil maganda ang ikot niya sa Homily na sinimulan at tinapos sa kantang “Sana Ngayong Pasko”.

Nakakatuwa na binigyan nila ng lugar para sa Simbang Gabi ang celebration sa Luneta. Maraming tiangge na nakapaligid at may perya pa sa may grandstand.

Simbang Gabi day 9. Lady of the Abandoned. Sta.Ana, Manila. 4am.

Simbang Gabi day 9. Lady of the Abandoned. Sta.Ana, Manila. 4am.

Lady of the Abandoned Sta. Ana, 4am. Ito naman ang pinaka-unforgettable Simbang Gabi ko. Dahil late ako, hindi ako nakapwesto sa loob. Napa-lugar ako sa may bandang labas ng simbahan kung saan maraming kabataan na ang pinunta lang sa simbahan ay para sa barkadahan nila. Badtrip ang experience pero tinest talaga ni Lord ang pananampalataya ko.

May nagpapaputok pa nga habang nagmimisa. Nakakainis lang.

*****

Ayan ang last report ko. Sa Pinas lang may simbang gabi kaya Pinoy lang ang pwedeng mag-wish. Mas nakikinig siguro ang Diyos sa mga Pilipino.

Yung wish ko, hindi ko na ishe-share. Madamot ako e. Ahahahaha.

Next year, kung ok lang, gusto ko sana, kasama kitang kumpletuhin ang Simbang Gabi.