Kean Cipriano REVEALS Love For Eunice of Gracenote

in a brotherly/sisterly way.

December 4, 2012. Kagabi lang. Ini-launch ng Soupstar at Universal records ang album ng Gracenote sa 70s Bistro sa Anonas, QC. Andaming fans na pumunta. Nandoon para sumuporta ang Gracians, Yengsters, family at friends ng bawat members, pati na rin ang iba pang mga banda ng Soupstar namely Callalily at 6cyclemind. Andun din si Ramon Bautista, yung POGI.

Gracenote Album Launch

Gracenote Album Launch

Hindi na EP lang ang First Movement.

Album na ang 8-track record ng Gracenote at available na rin sa Astroplus at iba pang leading record stores nationwide. Pwede rin ma-download ang mga kanta sa iTunes.

Si Kean Cipriano @keancipriano ang nag-introduce sa banda para sa kanilang first set. He has so much love for the band and, thus, making a promise of support not just for Eunice (his bandmate for BBS) but also for @ChenGracenote, @EjGracenote, and @JazzGracenote. Quoting the Callalily frontman;

“Susuportahan ko sila. Sana suportahan niyo rin. Malayo ang mararating ng bandang ito.  Makakarating sila ng BUWAN.” *

*Making a reference to the moonman trophy of Eraserheads.

Kean Cipriano watching Gracenote perform

Kean Cipriano watching Gracenote perform

In a small talk with Kean, sinabi niya na natutuwa siya kay @EuniceGracenote. Nakikita niya yung sarili niya dun sa batang singer. Front act/guest band lang din ang Callalily sa 6cyclemind at Sandwich dati kaya nakikita niya ang pattern ngayon. Kung anong klaseng suporta ang binigay sa kanila ng mga mas naunang banda, ganun din na suporta ang maibibigay niya.

At promise! May makikita kayong patunay ng suporta na ipinapakita ni Kean. Ang alam ko lang PWEDE DAW SIYA.

Ako na nagsasabi sayo Mr Kean Cipriano, mas malupit ang energy ni Eunice Evangel Jorge. Next time mo na ko i-rebut kung marunong ka na mag-keyboard/violin/drums. Tattoo lang ang lamang mo sa suspenders at purple shoe laces ng Gracenote.

At Kean, hindi lang ikaw ang nagmamahal sa Gracenote. Susuportahan ko rin sila hanggang makarating sila sa buwan. Mahal ko rin si Eunice!

Kampeon with Kean

Kampeon with Kean

Come to think of it? May chance kayang magkatuluyan si Kean at Eunice? I mean, wala namang masama di ba? Bagay naman sila.

Alam ko, single si Eunice, di ko alam kay Kean.

Eunice with Converse on

Eunice with Converse ON

Also, maganda nga pala ang Converse sa Gracenote.

Gracenote with the Bloggers

Gracenote with the Bloggers

Salamat Soupstar and 70s Bistro!

0 responses to “Kean Cipriano REVEALS Love For Eunice of Gracenote

  1. oohh my gosh!! mas matutuwa ako kung si Eunice at si Kean ang magkakatuluyan!!
    fan din kasi ako ng gracenote at lalo na ng callalily!!
    love you guys!! (callalily ang gracenote!!)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *