My Vote For Netizen's Choice Awards.

kailangan ko lang sumagot sa survey na to dahil kinukulit ako ni MangyanBlogger.

Ang tanong, anong TV Station ba ang pinakanag-excel for 2012? Well, madali lang naman yan dahil loyal naman ako at ang aking pamilya sa iisang network station.

Pero in terms of blogging and being a social media monster, kailangan ko rin magbigay ng aking maiksing explanation. To give justice na rin sa akin vote.

At pampahaba ng word count at pampataas ng ranking, magpapasok na rin ako ng search engine terms na alam kong mabibigay.

Eto na!

Ang network kasi na ito ang pinakamagaling magpa-trend ng palabas nila. Nasa kanila ang Gandang Gabi Vice na TRENDING CAPITAL ng bansa. Hindi ako nakakatakbo kapag Monday ng umaga dahil sa kakanood ng palabas ni Vice Ganda pag Sunday ng gabi.

Yung KathNiel na hashtag na habambuhay kalaban nung JuliElmo. Malupit din yun.

Si Sir Chief at si Maya na parating trending sa Twitter.

Yung mga artists nila, malalakas din sa Social media. May blog si Yeng, Bianca at active naman sa Twitter sila Anne Curtis.

They still maintain their status on top. I vote for ABS-CBN. Team Kapamilya!

ABS CBN

Sana lang, ma-appreciate pa nila lalo ang mga talents na nagsisimula sa social media. Di kasi ramdam e. Masyadong traditional ang pagpasok sa network nila.

Mga dude, nakapirma na po si Mikey Bustos sa GMA-7 at ang Jamich sa TV-5. Hindi ko maa-assure na sa inyo pa rin ang boto ko sa 2013.

**********

Salamat sa efforts ng BIG THREE ng Entertainment blogging; LionhearTV.net , Starmometer.com , and Showbiznest.com para sa pag-host ng Netizen’s Choice awards. 

For more information about the contest, kindly visit: http://lionheartv.net/2012/11/vote-bloggers-choice-for-their-favorite.html

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *